Chapter 5: Six Year old Secret

925 26 19
                                    


  ** 3rd Person's POV

    Hindi pa rin mapakali si Cahriya hanggang sa makaupo na sila sa loob ng eroplano. Eto na ang panahon na babalik siya sa malaking posibilidad na makita niya ang mga taong naging parte ng nakaraan niya. At sa kanyang pagbabalik, dala niya ang sikretong itinago niya sa loob ng mahabang panahon na lumayo siya sa kanila. Isang sikretong ayaw niyang malaman nino man pero hinding-hindi niya maiiwasan na lumantad.

"Riya, ayos ka lang diyan? Ako na bahala dito kay Laurent." Sabi ni Leslie na nakalingon sa kabilang aisle ng upuan kung saan nakaupo si Cahriya.

   Nahiwalay siya ng upuan kay Leslie at kay Laurent na kasama niyang babalik ng Pilipinas ngayon. Tumango lang siya kay Leslie at ibinalik na ang lumilipad na isip sa kawalan. Sobra ang kaba na nararamdaman ni Cahriya. At hindi niya alam kung mawawala pa ang kabang ito hanggang sa makalapag sila.

"Hi. Are you okay?" Biglang tanong ng lalaking katabi ni Cahriya sa kanya.

   Lumingon lang siya dito pero hindi niya ito pinansin. Wala siya sa mood para kumausap ng usisero sa sitwasyon na meron siya ngayon.

--

   Matapos ang mahigit 14 hours na biyahe ay nakalapag na rin sa Manila ang eroplano na sinasakyan nila Cahriya. Stiff and very quite. Ganyan lang si Cahriya buong byahe nila. Ni hindi rin niya masyadong nakausap si Laurent dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya.

"Need some help?" Tanong muli ng lalaking nakatabi ni Cahriya sa eroplano.

"What's with you? Do I know you? Why are you bothering me?" Dire-diretsong tanong ni Cahriya dahil naiirita na siya ng sobra sa presensya ng lalaking ito. 

   Nagtinginan na rin ang ibang mga pasahero na kumukuha ng mga maleta nila sa baggage carousel. Nagulat ang lalaki sa biglang pagtataas ng boses ni Cahriya sa kanya.

"Huy, Riya. Anong problema mo? Bakit nagwawala ka dyan?" Kunot-noong tanong ni Leslie.

"Eto kasing lalaking 'to. Kanina pa nangungulit." Iritang sabi ni Cahriya sabay itinaas ang handle ng maleta niya at inilagay sa carrier.

"The guy just wanted to help." Seryosong sabi naman ni Leslie.

  Hindi na sumagot pa si Cahriya. Napatingin naman sa kanya si Laurent at ngumiti. Ang mga ngiting iyon ang unti-unting pumawi sa kung ano mang inis na nararamdaman ni Cahriya ngayon.

"Come here baby." Nakangiting sabi ni Cahriya.

    Iniabot ni Leslie si Laurent kay Cahriya. Masaya namang yumakap si Laurent kay Cahriya na kanina pa nagmamaktol.

"Love you, Mama." Nakangiting sabi ni Laurent kay Cahriya sabay hinalikan niya ito sa pisngi.


*** Six years ago***

HINANG-HINA si Cahriya nang imulat niya ang mga mata niya. Ang puting kisame lang ang tangi niyang nakita bago maalala ang nangyari sa kanya. Napa-hawak siya bigla sa sinapupunan niya at agad na pumatak ang mga luha niya.

"Ang baby ko.."

Biglang bumukas ang pinto at isang matangkad at sopistikadang babae ang pumasok sa kwarto niya.

"Sino ka?" Tanong ni Cahriya sa kanya.

"Tita ako ni Lance. At nandito ako para sabihing inuurong na namin ang kasal. You're not good for my nephew. Manloloko ka at lahat ng tao sa paligid mo ay napapahamak. Kaya there's no way na hahayaan kitang makasal pa sa kanya." Mapang-mataas na sabi nito kay Cahriya. Wala siyang kaalam-alam na ang babaeng kaharap niya ay babaeng dahilan ng pagkasira ng kasal nila ni Lance. Si Venice.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon