Katotohanan

14 0 0
                                    

"Ayoko na. Pagod na ako. Itigil na natin to"

Ilang buwan na rin ang nakalipas nung marinig ko ang mga salitang yan magmula sa'yo. Dumating ako sa punto ng buhay ko na hindi ko inaakalang masa-sambit mo yan sa harap ko. Akala ko kasi, ikaw na. Akala ko kasi ikaw na yung makakasama ko panghabang buhay. Pero ang lupit ng buhay dahil akala ko lang pala. Yung sa tuwing magkasama tayo, nalilimutan ko ang mundo. Yung tipong nakakalimutan ko ang mga problema ko sa oras na masulyapan ko na ang pagkurba ng iyong labi o di kaya'y ang pagtawa mong nakapagpapagaan ng aking damdamin. Napakasaya isipin na lahat ng kinatatakutan ko ay naglaho noong dumating ka. Ang dami mong itinuro sa akin. At isa na doon ang magmahal at matutunang harapin ang lahat. Kasi kampante akong nasa likod lang kita. Naaalala mo ba kapag sinasabi mo yung mga paborito mong salita na "Naniniwala ako sayo, kayang kaya mo yan" Yung tipong durog na durog na ako pero nakukuha ko paring bumangon kasi alam ko sa sarili ko na kasama kita, at sabay tayong lalaban sa hamon ng buhay. Yung araw araw tayong nagsisikap dahil sabi mo nga para sa kinabukasan natin. Yung ang sarap gumising kasi alam mong may taong nag aalaga at nagmamahal sayo. At tila ba pakiramdam mo'y ikaw na ang pinaka swerteng nilalang sa mundo. Yung imahe niyong punong puno ng kabaliwan at ka abnormalan. Hahaha. Nakakatawa mang isipin pero nagawa natin ng magkasama yan. Ang sarap yakapin, ang sarap alalahanin, ang sarap balik balikan. Ngunit hindi natin malilihim na dadating at dadating ako sa puntong tatamaan ako ng katotohanan. Na lahat ng pinaghirapan nating buuin at palaguin ay maglalaho nalang parang bula. Ang sakit isipin na wala ka na, ngunit mas masakit isipin na unti unti ko ng nararamdaman ang mag isa ulit. Yung buhay na walang kulay. Yung buhay kong matamlay. Hindi ko na alam kung maaayos pa ba ako. O matatawag mo pa ba akong babalik sa katinuan ko. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ulit babangon. Kung ano man ako ngayon, parte ka ng pagkatao kong sabay nating binuo. Wasak na wasak na ako. Sa ngayon kasi, isang malinaw na katotohanan ang tanging bumubuhay at sa ganoon ding paraan ang pumapatay sa aking kalooban at ang alam ko nalang..
'Mahal kita, pero wala ka na'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reality (One Shot)Where stories live. Discover now