Kyline's PoV
"Bes,kailangan mo pa ba talagang umalis?Huhuhu!Iiwan mo na ba kaming mga bestfriends mo?" Pag iyak ni Shanna sa akin.Oo,aalis ako ngayon.At hindi ko din alam kung kailan ako makakabalik.
Pupunta kasi kaming America para duon ipagpatuloy ang aking pag aaral.May nahanap kasing bagong work si Mommy at Daddy sa America kaya doon na kami titira ngayon pero babalik din naman kami dito sa Pilipinas.
Andito kami ngayon sa airport at eto kaming mag bebestfriend at nag sisi iyakan.
"Bes!!Sama na kami sayo.Huhu!Wag mo kaming iwan dito.Sige ka babagsak kami sa test.Wala na kaming kokopyahan." Sabi naman ni Julia.
Hayy..Mamimiss ko talaga tong mga luka kong bestfriend.Kung pede ko lang talaga sila isama eh kaso bawal naman.
"Huhu!!Mamimiss ko din kayong mga luka kayo!Babalik naman ako eh!Antayin niyo ako ha?Wag nyo akong ipagpapalit sa iba.Sige na mga bes!Aalis na kami..Video call tayo mamaya bes!!Huhu I love you bes!" Sabi ko sakanilang dalawa sabay niyakap sila.
Si Shanna Marie Vella,siya yung unang nagsalita kanina.Bestfriend ko silang dalwa ni Julia Mellanie Quizon.Since kinder ako naging bestfriends na kami kaya talagang mahirap iwanan sila kasi halos buong buhay namin magkakasama na kami.
--
Pagkatapos ng kadramahan namin ng mga bestfriend ko ay pumasok na kami sa loob nila Kuya.
(Dito po sa story'ng ito ay may dalwang babaeng kapatid si Kyline at tatlong lalaki)
Anim kaming magkakapatid.Dami namin no?
Panganay ay si Kuya Kiefer Nathan Alcantara.18 years old na siya.
Sumunod naman kay Kuya Kiefer ay si Ate Keila Natalie Alcantara.Katulad ni Kuya Kiefer ay 18 years old din siya.
Si Kuya Keith Nathaniel Alcantara,16 years old naman siya ngayon.
Si Ate Kathleen Natasha Alcantara,14 years old siya.
At ako naman ay ang pangalwa sa bunso.Kyline Nicole Alcantara ang pangalan ko.13 na ako ngayon.
Pinakabunso naman namin ay si Kyle Nicolas.3 years old pala siya.
--
Pagkapasok namin sa eroplano ay agad akong umupo sa tabi ng bintana.
Mamiss ko silang lahat :(
Kinuha ko muna yung phone ko at in-airplane mode.
Nagpatugtog ako at nag basa muna ng Wattpad.
Sana naman ay mababait ang mga magiging kaklase ko doon sa America...
----
CUT!!
Binago ko yung plot hehe!