My Homosexual Lover - The Test

186 9 0
                                    

Episode 4

Alam kong tuluyan na akong mamamatay kong di ko mahahanap ang aking katawan. Inikot-ikot ko na ang buong ospital pero wala talaga. Naalala ko bigla na dinadala na agad sa morge ang katawan ng pasyenteng patay para eh freeze kaya pinuntahan ko agad ang morge ng ospital.

Pag pasok na pag pasok ko palang ramdam ko nang meron din ibang mga kaluluwa ang andoon nakaaligid sa mga naninigas na mga bangkay. Pag pasok kong patagos lang ng pinto bigla may kaluluwang sumalubong sa akin at nag mamakaawat gustong maka alis sa lugar na yun. Maya't maya pa ay nag silapitan na rin ang ibang mga kaluluwa. Yung iba may mga hiwa pa sa tiyan yung iba naman hawak-hawak pa ang ulo nila. Pero di ko na sila pinansin at hinanap ko na ang katawan ko bago pa mahuli ang lahat.

Sa paghahanap ko isang bata ang lumapit sa akin at nag sabing wala daw sa kwartong ito ang katawan ko kundi andoon sa kabila at kukuhain na ang lahat ng mga dugong dapat tanggalin sa katawan ng ko para ma ifreeze na rin kasama ng iba pa. Dali dali naman akong tumagos papuntang kabilang kwarto at nakita ko nga na ilalapat na ang sobrang laking karayum sa aking tagiliran para ako ay makuhanan ng dugo. Habang palapit ng palapit ang karayom sa tagiliran mabilis rin akong parang kidlat na pumasok sa katawan ko at biglang ibinuka ko ang aking mga mata at napasigaw ng waaaaaaag po!...

Nagulat ang imbalsamador sa kanyang nasaksihan sa aking pagkabuhay. Agad siyang tumakbo at humingi ng saklolo sa iba pa nyang kasamahan at todo sa kasisigaw ng "May buhay!"
Pag balik ng imbalsamador sa akin kasama ang iba pa, humingi ito ng tawad sa akin ng paulit-ulit. Dahil baka daw natuluyan na nya ako.

Inilipat naman din ako bigla ng mga doctor sa operating room para maobserbahan.

Habang nag-iisa sa loob ng kwarto biglang pumasok ang isang doctor na mistiso ang istura. Imbis na i check nya ang findings tungkol sa katawan ko. Bigla lang itong tumawa na tumawa at sinabihan akong tumayo kana dahil wala ka namang bali o anu- anong sakit sayong katawan. At nagpakilalang siya si Gabriel at magsisibling taga paalala ko sa misyon ko.

Natuwa naman ako sa sinabi nya kaya tumayo ako't tinesting kong ok lang ba talaga ako. Sinabihan niya akong tumalon man ako o magsayaw ay walang mangyayare sa akin.

Maya't maya pa ay pumasok ng isang tunay na doctor at nakita akong nagtatalon at pasayaw-sayaw habang nagsasalitang mag isa. Medyo napahiya naman ako ng kunte kasi baka sabihan ako netong nabaliw na at nagsasalitang mag-isa.


"Miss Ferrer? Are you ok? Tanong ng doctor sa akin na parang nag iisip kung ako dahil napakamot ito sa kalbo niyang ulo.

"Ahhh ok lang po doc... "
"Tumigil ka nga Gabriel!
Sagot ko naman kay doc habang tinititigan ng masama si Gabriel kasi ayaw tumigil sa kakasatsat.



"Are you sure that you're ok miss ferrer? Sinong kausap mo?
Tanong ulet ng doctor sa akin. Peru sa mag mukha pa akong tanga sinabi ko nalang na nag mimemorize lang ako ng bago kong kanta. Yung Oh Gabriel... At hindi na ulet nag tanong pa ang doctor at lumabas na.

Nagmukha na nga akong baliw tinatawanan pa ako ni Gabriel. Dahil ako lang ang nakakakita sa kanya at nakakarinig. Sa isang iglap lang din ay nawala na rin sya.

Lumabas ako ako ng room ko at tinanong kung asan ang room ni Mr. Hermosa. Dumiretso na ako sa room 249 kung saan nagpapahinga rin ang walang malay na katawan ni Dylan.
In Coma stage sya, pero di ko pina alam sa kanyang mga magulang kasi yun din ang bilin ni Dylan na kahit na anong mangyare sa kanya, wag na wag itong sasabihin sa kanyang mga magulang...





(Thank you for Reading .......)
To be continued. . . :)
Vote and comments are welcome thank you.



My Homosexual Lover (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon