FINALLY! IT'S HERE!!!!!!!! Sorry for making you wait for a long long time. Alam niyo naman, busy sa school shits. Anyway...
Basahin nyo ang bago kong story na 'The Odd One' tapos vote kayo. Hehehe. Pls? :( May deal tayo diba? :)
Ito na...
-
RAFAELLE'SPOV
"Hindi ka na nahiya sa bisita ko! Nakakahiya ka!" -Mama
Paano, gabi-gabi siya nagdadala ng lalaki dito pero sinasabi niyang bisita lang niya. Hindi ko na nga lang masabi sa mga lalaking yon na iba iba ang dinadala ni Mama tuwing gabi eh kasi mga foreigner sila.
"Wala naman akong ginagawang masama! Binabastos ka niya ma!" -Ako
"Binabastos?! Anong binabastos doon?! Ikaw ang bastos! Hindi ka na lang nanahimik ha?! Gusto mo talagang naghihirap tayo ano?! Gusto mo na ganito na lang ang buhay natin noh?!" -Mama
Namumuo na ang mga luha sa mata ko. Dahil hindi ko alam kung bakit takam na takam si Mama sa pera. Lahat gagawin niya para lang sa pera. Kahit dignidad niya isusuko niya.
"Ma! Hindi sa ganong paraan! Sino namang anak ang matitiis na makitang binabastos ang kanyang ina?!" -Ako
"Puro ka ganyan! Walang nangyayari saatin! Isa saatin ang dapat magsakripisyo dapat alam mo yon! Hindi ka nagiisip eh!" -Mama
"Ma, pagtatrabahuan ko ang yaman natin. Balang araw aasenso din tayo." -Ako
"Ah gusto mo magtrabaho ha? Ayaw mo akong magsakripisyo? Oh edi ikaw ang magsakripisyo. Tumigil ka sa pagaaral." -Mama
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Titigil ako sa pagaaral?! Nababaliw na ba si Mama?!
"Ma?" -Ako
"Ano?! Hindi ko na hahayaang may mambastos pa saakin. Basta tumigil ka sa pagaaral at magtrabaho ka." -Mama
"Gusto ko nga pong makatapos eh. Hindi po ako puwedeng tumigil." -Ako
"Edi mamatay tayo pareho sa gutom!" -Mama
Padabog siyang umalis. At ako naman ay naiwang tulala sa sala. Nagalit lang naman ako sa foreigner na yun eh dahil hinihipuan na niya si Mama. Ito namang si Mama, nakangiti lang siya. Sino bang hindi maiinis diba?! Anak ako! Alam niyo ang pakiramdam!
*
"Ano?! Aalis ka na?! Bakit naman?!"
Tanong ni Jenny na kaklase ko. Sinabi ko na sakanilang lahat na titigil na ako sa pagaaral. Napagdesisyunan ko na din kasi na maghahanap muna ako ng trabaho. Pag nakaipon na ako, babalik na lang ako sa pagaaral tsaka bibigyan ko ng magandang buhay si Mama.
"Kailangan eh. Wag kayong magalala, babalik naman ako eh. Emergency lang talaga." -Ako
"Hindi mo na kami magiging classmate. Mahuhuli ka na eh." -Jenny
"Ok lang yon. Ang importante, makapatapos ako." -Ako
"Raffy." tawag saakin ng bestfriend kong si Kaye.
BINABASA MO ANG
Mr. Guwapito nainlove kay Ms. Bungangera
Romance"...Yang bunganga mo parang pagmamahal ko sayo. Hanggang sa dulo ng walang hanggan." -Viniel Monteverde #53 Arrogant