One ❤ - I think I'm inlove

13.9K 157 16
                                    

RACHELLE'SPOV

"Ay kalabaw!"

"Ano nanaman yang naririnig ko na riyan ha?" Rinig ko ang boses ni Lola na nasa sala na nakaupo sa kanyang rocking chair.

"Wala po lola. Sorry po. I love you."

Akala niyo ako yan noh? Kapatid ko yan noh. Si Roshane. Malambing kay Lola yan eh.

"Ay anak ng tipa ng kalabaw masubsob sa garapon!"

Yan! Ako yan! Ganyan ako! Haha. Ah hehehe. ^_^ Natapilok kase ako eh. 'Kala nyo kung ano noh?

"Hoy! anong pinagsasabi mo riyan ha? Ika'y bata ka. Sabi ko na wag ka magsasalita ng mga ganyan eh di ka na natuto." -Lola

Pinagalitan nanaman ako ni Lola Nenita. Ready nanaman siya sa kanyang walis ting-ting.

"Sorry naman 'la. Eh muntik na kase ako masubsob doon eh." -Ako

"Eh sinabi ko ba na ika'y magsalita ng mga ganyan at kung saang kalye mo nanaman yan diga natutunan." -Lola

"Eh lola naman eh. Nabigla lang po ako noh. Joke lang yon ito naman." -Ako

Ngumiti na lang ako kay lola at nagpacute.

"Ah eh iyan pa ang isasagot mo saakin dine? Gumaya ka nga sa iyong kapatid. Malambing at mabait." -Lola

Tsss. Siya nanaman ang napagusapan dito. -.-

"Eh lola naman eh." -Ako

Napakamot naman ako sa batok ko. Ayoko kase yung kinokompara ako sa kapatid ko eh. Kainis lang. Ibig ko sabihin, parang hello? May kanya kanya tayong personality. Alangan naman gumaya ako sa kanya. Wala naman akong originality non.

"Oh ayan na. Late na tuloy ako. Ikaw kasi lola eh." -Ako

"Aba'y ako pa ang may kasalanan? Kilala mo na ako ineng. Masanay ka na riyan." -Lola

Pinaypayan nanaman niya ang sarili niya at nagrelax relax sa upuan niya.

"Ok sige na po lola. Alis na po ako. Love you po." -Ako

Hinalikan ko sya sa pisngi at naglakad na papunta na sa paaralan ko.

Tan Yan Kee University ang paaralan ko. Hindi yan chinese school. Chinese lang yung may-ari. May kaya naman kami kaya nakakapag-aral ako dito. Pagpasok ko ng gate, agad na sinalubong ako ng mga bestfriend ko. Sila Nicolette Ocampo at Perrie Allejandro.

"Uy Shay! Sa wakas maaga ka rin." Sinalubong ako ni Colette.

"Ha? Maaga ako?" -Ako

Gulat naman ako. Usually late kasi ako eh. Hehe.

"Yep. Tara bilis. Kakastart pa lang ng flag ceremony." -Perrie

Hinila na ako ni Perrie at pumunta ng madalian sa may linya kung saan doon sa tatayo para magattend ng ceremony.

"Sing the national anthem, loud and clear. Ready." Announce ng superviser namin na si Mrs. Salvosa, yung ceremony holder or supervisor din.

"....Bayang magiliw..."

Pagkatapos ng ceremony, umakyat na ako ng classroom namin dala dala ang mga libro ko. Grabe naman bigat.

"Need help?" Rinig ko naman ang boses lalaki na nanggagaling sa likod ko. "Excuse me, miss?"

Ako ba kausap ni kuya? Lumingon ako at wow. Ang guwapo naman nito. Ako ba talaga ang kausap niya o assuming lang ako?

"Um....hi?" -Ako

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon