Pangalawang pagkikita

103K 1K 21
                                    

"Mommy, can you please tell me again why do I need to live here?" natawa ako sa nakita kong pagkabagot sa mukha ni Cameron.  She's my six year old daughter.  Iniuwi ko siya from States.  She was born there.  Sanay na sanay na siya doon.  I know, this is a big adjustment for her.

"Di ba sabi ko nga sa iyo, kailangan na nating mag-stay dito.  It's not convenient na mamasahe ako every now and then to go up and down just to see you," I started unpacking our clothes.  Wala nang dahilan pa na mag-stay kami doon dahil iniuwi na ni Dad ang bago niyang asawa sa bahay.  Hindi sa galit ako kay Daddy.  It's time for him to have a new wife.  Ilang taon na din kasing wala si Mommy.  Ang totoo, ayaw nilang umalis kami ni Cammy doon but I insisted.  That old man need to live on his own now....with his new wife.

"But Mommy....you know that it's so hot in here.  You know that I cannot live in this place!" pinigilan kong tumawa ulit dahil akala mo ay donya siya na naglalakad paroo't parito.  Nakapamaywang pa nga.

"We have AC in our house. In the car as well Mám," sumampa siya sa kama at itinapat ang mukha sa akin. 

"But surely, outside is so so hot Mom! How can I make the SnowMan during winter ?!  There will be no snow in here!" niyakap ko siya.

"Hay naku anak.  Adjustment.  You need to adjust.  Hindi naman lahat ng gusto mo, pwedeng masunod.  You know that your grandfather recently got married.  Ayoko namang makigulo ka sa kanila dun."

Tumahimik siya.  Naalala ko si Mason.  Ganito din katabil ang anak na iyon nina Bea at Lex.

Nakagat ko ang labi ko ng maalala ko si Bea.  She doesn't know about Cameron.

"Do you think Mom, I'll meet lots of friends in here?"  nakangiting tinanguan ko siya.  

"Of course my love.  Maraming marami. But first, try to talk in Tagalog okay," she pouted her lips.   "I will enroll you in the school of Mason.  He's a nice boy.  You will become good friends." 

"If he's going to follow me around like those boys in my school, I will definitely hate him!" natatawang napailing ako.

Ayaw kasi niyang sinusundan sundan siya na siyang ginagawa ng mga lalaking bata sa States.  Pretty is an understatement for her.  My daughter is beautiful.  Mana sa akin (Joke!)  actually, di ko sya kamukha.  Baka sa side ng daddy niya kung sino mang herodes yun!  And Cameron is very bossy.  Lahat ng sabihin niya, gusto nasusunod.  Ako nga lang ang hindi niya nauuto.  Pero ang mga kalaro niya, kahit yata sabihin nito na maglakad ng patiwarik, gagawin pa rin.  Pati ang lolo niya at si Manang Daleng, madaling napapasunod.

 "He's a good boy Cammy.  Tska, matalino yun.  I wonder if you can beat him," tumaas ang kilay niya.  

Yes, she's smart.  Matalino siya para sa edad niya.  "Nobody can beat me Mommy and you know that.  Not even that Mason Boy!" at nagmartsa palabas.

Napabuntong hininga ako.  Eventhough she's just a kid, she's full of confidence.  Bagay na wala ako.  Di ko nga alam kung may nai-contribute ako sa paggawa sa batang iyon e.  At least si Bea, though Mason is a carbon copy of Lex, kung utak lang din ang pag-uusapan, Mason got Bea's brain.  I'm not saying that Lex is dumb dahil actually, he is really smart when we were in college, lamang mas talagang nakaaangat sa amin si Bea.  Or maybe because she really needs to pursue her studies because they are not well off.  Unlike Lex who belongs to the famous business clan.  Banggitin mo pa lang ang apelyido nito, alam na agad kung kanino ito konektado.  Kami din naman kasi, may kaya sa buhay.

Tinawagan ko si Bea.  I need to meet her.  Si Mason ang nakasagot.  Wala daw sa tabi niya ang mommy niya.  So after few minutes, I tried to call her again.  Nagpasya kaming magkita mamaya.

Mr. Nuknukan Trilogy (d' 2nd) - Troy (Published by Bookware - EBook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon