CHANYEOL'S POV
"Kyahh!!!chanyeol!marry me!"
"Wahhh!!!Baekhyun you're so handsome!"
"Xiumin!!!You're so cute!!let me take you home!!kyahhh!"
"Suho!!!please be mine!!"
"Chen!!!I love you!!"
"Sehun!!will you be my boyfriend?"
"Lay!!Saranghae!!"
"D.O!!I love your lips!!wahh!"
"OMG Kai!!you're so hot!!"
Yan agad ang naririnig namin pagdating namin dito sa Incheon Airport ang daming fans ang nakaabang at busy sa kakapicture samin.Diretso lang kaming naglalakad at ngumingiti rin sa ibang fans.Nung malapit na kaming makalabas papunta sa sasakyan ay may sumigaw ng pangalan ko,lumingon naman ako at nakita ko ang isang babaeng kumakaway sakin isa ata sya sa mga fans ko kaya nginitian ko nalang sya. Pero laking gulat ko nang bigla nalang syang nahimatay.
"Hala anong nangyari dun?" bulong ko nalang sa sarili ko at napatingin ulit sa babae,tinulungan na sya ng mga taga airport kaya nakahinga naman ako ng maluwag at tuluyan nang sumakay sa sasakyan namin.
"Anong nangyari bakit parang may nagkakagulo?" tanong ni lay habang nakakunot ang noo sya kasi ang unang sumakay kaya di nya nakita ang nangyari"Ah.. May babae kasing tumawag sakin kanina kaya liningon ko naman tapos nginitian pero bigla nalang syang nahimatay" sagot ko sa tanong nya
"Weh??di nga?!ang yabang mo talaga chanyeol!haha" pang-aasar sakin ni chen at nakipag-apir pa talaga kay d.o
"Baekhyun pigilan mo ako!at baka masapak ko tong chen nato!" pabiro kong sabi kay baekhyun na katabi ko
"Bakit kita pipigilan?! Go lang!sapakin mo na!" tinaas nya pa yung dalawang kamay nya na parang nagche-cheer,nagtawanan lang kaming lahat at nagkulitan hanggang sa di namin namalayang nakarating na pala kami sa dorm namin.
"Oh!nandito na pala tayo!" sabi ni sehun sabay bukas ng pinto para lumabas pero bigla nalang syang pinigilan ni suho
"Bakit?" nagtatakang tanong namin lahat
"Paunahan tayong pumasok sa dorm kung sino ang pinakahuling pumasok ay panget"
"Oh sige ba!magbibilang muna ako,1,2…---"
"Wait!"putol ko kay lay
"Bakit na naman?" tanong ni xiumin na parang naiinis
"Sa labas dapat tayo mag-umpisa para fair"
"Oh segi!"- sehun
At ayun nga lumabas muna kaming lahat ng sasakyan at tumayo ng pantay-pantay
"Oh ayan na!ready get set......" -Suho
"GO!" sigaw naming lahat at nag-unahang makapasok sa dorm
Nauuna saming lahat si kai kaya mas binilisan ko pa
"Haha.. Ako na ang mauuna nito ang bagal nyo ka----" di na nya naituloy ang sasabihin nang madapa sya kaya napatigil kaming lahat at nagkatinginan,nung una ay tahimik lang kaming lahat na nagtitinginan habang nakadapa parin si kai
"Wahahahahahahahaha" tawanan naming lahat except kay d.o
"Hahahah!kai anong nahuli mo?!haha" tanong ni chen sabay tawa
"Haha!kai?anong nangyari?haha" mangiyak-ngiyak na tanong ni sehun sa kakatawa
Napaupo nalang si kai at nakitawa rin sya pero di kasing lakas ng tawa namin. Napatingin naman ako kina chen at xiumin na napaluhod na sa kakatawa tapos kay d.o na nasa likoran lang nila na di mo maipinta ang mukha
"Anong nakakatawa?" seryosong tanong ni d.o samin kaya napatigil kami at umayos ng tayo
"Si d.o naman!ang kj mo talaga kahit kailan!di naman masyadong nasaktan si kai eh!" -suho
"Oo nga!nakitawa rin sya ah.!" -lay
"Kahit na!imbis na tulongan nyo ang tao pagtatawanan nyo pa" sabi nya at tinolungan nya si kai na tumayo at sabay na silang pumasok sa dorm namin
Sumunod naman kaming lahat sa loob at sabay sabay na umupo sa sofa.Tumabi ako kay kai at inakbayan sya
"Kai ok lang yan.!kahit na nadapa ka kanina at least ikaw ang nasa pinaka-una.Ibig sabihin ikaw ang pinakagwapo saatin!" sabi ko sakanya
"Haha.!pampalubag ba ng loob yan?"
"Hindi ah!diba sabi kanina ni suho kung sino ang mahuli yun ang panget edi ikaw ang gwapo kasi ikaw ang nauna!"
"Sino pala kanina ang nasa hulihan?" tanong ni sehun
"Si d.o!" sagot naman ni baekhyun
"So ibig sabihin……hahaha"
Nagtawanan lang kaming lahat habang wala pa si d.o nandun kasi sya sa kwarto nagbibihis na siguro yun.
"Ganito nalang!Walang panget sa EXO dahil tayong lahat ay gwapo!" -Suho
"Oo nga!" sabi naming lahat
"Tama na ngang kalokohan to.! Magbihis na tayo" -suho
Kaya ayun nagsipasok kaming lahat sa kanya kanya naming kwarto at nagpalit na ng damit. Tiningnan ko muna yung c.p ko nang tumunog ito.
"Yeol nandito na kami.,saan kana?"
"Sandali lang hintayin nyo ako"
" Segi punta ka nalang dito"
Linagay ko na yung c.p ko sa bulsa at nagsuot ng shades at mask bago lumabas ng kwarto
"Alis muna ako ha" paalam ko sa kanila
"Saan ka pupunta?" -Suho
"May pupuntahan lang babalik din ako agad"
"Sama ako" -baekhyun
"Wag na babalik din ako agad"
*********
Nakita ko agad sila pagkapasok ko sa isang restaurant.Naka-disguise din sila tulad ko. At kung tinatanong nyo kung sino sila,secret muna sasabihin ko nalang sa inyo sa sunod."Kamusta na kayo?grabe!matagal na tayong di nagkita ah!" sabi ko pagkatapos naming magyakapan
"Ok lang!namiss rin namin kayo" -Guy 1
"Nga pala bakit ka pala nakipagkita samin?" Guy 2
"Diba magcoconcert kami sa pilipinas...." -ako
"Ah.! Alam ko nayan!babalikan mo na sya nuh?at magpapatulong ka samin!" -Guy 3
"Ang talino mo talaga!haha" sabi ko at nakipag-apir pa sakanya
"Excuse me sir…pwede ko po bang makuha ang order nyo?" tanong ng isang waiter samin
Sasabihin ko na sana ang order namin nang parang pamilyar sakin yung mukha ng waiter kaya tinitigan ko pa ng mabuti ang mukha nya at bigla nalang nanlaki ang mata ko nang makumpermang sya nga yun!
"Dito ka po nagtatrabaho?!" tanong ko sa kanya at parang nagulat din sya sakin
-------------------
A/N:Sino kaya yung mga guy na pinuntahan ni chanyeol sa restaurant?At bakit kilala nya yung waiter? Hulaan nyo nga kung sino!
Dedicated to @SheLovesRabbit