CHAPTER 1 - At the Peak

20 3 0
                                    

~ SWEIN ~

“I’m really sorry Ms. Ramirez. You didn’t reach the general average last semester. I’m sorry to say this but wala ka ng scholarship sa next sem.”

Malungkot na sabi sa akin ng Scholarship Coordinator ng University namin.
Alam ko naman na ipapatawag ako dito sa scholarship office at sasabihin na matatanggal na ako sa pagiging scholar, inihanda ko na nga ang sarili ko bago pumunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang maluha.

“Ma’am Cruz isang sem na lang po at gagraduate na ako. Papaki-usapan ko na lang po yung prof ko sa Accounting na baguhin ang final grade ko.” Halos mabasa na ang hawak kong panyo sa pawisan kong kamay.

“You know you can’t do that Swein. Alam mong unfair yan sa ibang student.” Seryosong tugon ni Ms. Cruz.

“Alam ko po ‘yun. Pasensiya na po. Wala na po kasi akong maisip na ibang paraan.” Yumuko na lang ako para pigilan ang nagbabadya kong luha.

“Look Swein. Gusto ko man na ituloy mo ang pagiging scholar mo, pero wala talaga akong magagawa. It’s really hard on my part too, dahil alam kong masipag ka na estudyante at deserve mo ang scholarship na ‘to. Pero may mga pangyayari talaga sa buhay natin na di natin inaasahan na mangyayari. Just be strong okay?”

Hinawakan ni Ma’am Cruz ang kamay ko na nakapatong sa table niya.

Alam kong mahirap din sa kanya ang mag decide na tanggalin ako sa scholarship. Pero yun talaga ang policy, kung may bagsak ka na final grade automatic tanggal ka na sa scholarship.

“Uhm. Excuse me Ma’am Cruz, magsisimula na daw ang meeting niyo.” Sabi ng secretary ni Ms. Cruz.

“Okay. Thank you.” Nginitian ni Ma’am Cruz ang Secretary niya.

Tumayo na ako para magpaalam.

“Sige po Ma’am Cruz, aalis na po ako.”

She gave me a symphatetic smile.

“Alright. Be strong Swein.”

I smiled back at her. “Thank you Ma’am.”

Dali-dali akong umalis sa scholarship office dahil any minute eh babagsak na ang kanina ko pang pinipigilang luha. Ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano, gusto ko munang umiyak at ilabas ang nasa loob ko.

Pumunta ako sa pinakamalapit na comfort room at dun umiyak ng umiyak.

_____

“Swein, nagyaya si Ryan, mag videoke daw tayo.” Sabi ni Melissa.

Kaklase ko sila at kasama ko din sa scholarship.

“Pass muna ako.” Matamlay kong sagot sa kanila.

Dahil tapos na ang semester, nandito kami sa mga locker namin para kunin ang mga gamit namin.

“Pass na naman? Tapos na kaya ang sem dapat mag celebrate tayo!” masiglang sabi ni Mel.

Lumapit sa kanya si Ryan at binatukan sya.

“Gaga! So ise-celebrate natin na tanggal na sa scholarship si Swein? Ganoin?! Nasan ba utak mo? Ha? Baka nahulog!”

Natawa naman ako sa pagkabatok ni Ryan, harsh din ang isang to eh. Hahaha!

Napahawak si Melissa sa likod ng ulo niya.

“Ang sakit nun bakla ha! Ikaw nagyaya na magvideoke tayo tapos ako pa pinapalabas mong masama? Grabe sya oh!” react pa ni Melissa.

“Bakit? Sinabi ko bang pilitin mo si Swein? Ha?” sagot naman ni Ryan.

The Sudden Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon