Pawis na pawis akong na akong nakarating sa tapat ng katakot-takot na building na ito. Ramdam kong pinagtitinginan na rin ako ng mga tao. Nagtataka siguro sila kung bakit ang isang kagaya ko ay nakatayo sa harap ng establisyimentong ito. Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay mapuntahan ko agad siya. Bago pa man mahuli ang lahat.
Dali-dali akong pumasok sa loob. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.Hinanap ko ang kwarto kung saan sya naroon. Sana hindi pa huli ang lahat...
Pero hindi talaga lahat ng expectation nami-meet.
" Bakit ngayon lang ? "
Nanlumo ako sa nakita ko. Imbis na maging masaya para sa kanya dahil sa wakas nakasama nya na ang mga mahal nya sa buhay, ay tila dinurog pa ng larawang ito ang aking puso.
Napalingon silang lahat sa akin. Tila narinig pa ang binulong kong mga salita.
" You're right. We're too late... I'm so sorry. "
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Sa sinabi nya pa lang iyon ay may nabuo na agad na konklusyon sa isip ko. Pilit ko mang h'wag paniwalaan pero kitang-kita naman sa harap ko ang patunay.
" So it means that... It is also too late for me. "
Hindi ko na kailangan ng sagot, 'cause it's already obvious. Ngumiti sya ng mapait sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tumungo sa kinalalagyan ng taong ipinunta ko talaga dito.
" Why so sudden, love ? You should've told me ! If I just only knew about this, if I only notice, I shouldn't have to leave you... Hindi sana ganito. Wala ka sana dito. Ang t*nga- t*nga ko ! I'm so,so,so...sorry. So-sorry"
" They need to take him now. " malamig na sabi sa akin ng kanyang ama.
Hinayaan ko silang lumapit sa kanya at dalhin sya. Pero bago pa man iyon ay nilapitan ko pang muli sya at niyakap.
" I love you, love, always... "
At tuluyan na nga syang inilayo sya sa akin. Isa-isang lumabas na rin ang pamilya nya, hanggang sa ako na lang ang matira sa malungkot na puting silid na ito.
Tumunog ang cellphone ko. Malamang ang Butler ko na naman ito.
" Why ? "
" Lady Kate, you needed to come back home immediately. Your parents are already here waiting for you. I am waiting otside. "
Lumabas na ako at doon nakita ko nga siyang nakatayo. Ang lalaking kasa-kasama ko mula pa pagkabata. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit alam nya kung nasaan ako.
" Here, Lady. I know you need this. " inabot nya sa akin ang hawak nyang panyo.
" Thanks George. "
Pinunasan ko ang bakas ng luha sa aking mukha. Naalala ko na naman ang nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapaluha. Lalo na kapag naaalala ko ang itsura nya.
Parang isang palabas na tuloy-tuloy na nagbalik sa akin ang aming mga alaala ng magkasama. Simula sa umpisa, hanggang sa pinakamasakit na parte...
Goodbye
YOU ARE READING
My Second Chance
General FictionPaano kung isang araw mawala na lang si 'Da One' ? Will you give yourself a 'second chance' ? Paano kung akala mo happily ever after na, tapos yun pala may darating pang iba !? Are you willing to give that second chance too ? Sabi nga nila, everybo...