Bakit pa?

144 4 2
                                    

Sa unang pagkikita, nadama’y iba na

Sa pagtatama ng ating mga mata.

Paghanga’y umusbong sa aking pusong napatanga.

Sa kagwapuhan mong taglay

At busilak na kaloobang sadyang tunay

Ako’y lalo pang na-inlove, hay buhay!

Sa isang tudyo ng tadhana

Tayo’y pinaglapit di’ man tagna.

Sa udyok ng damdamin

‘pag wala sa akin ang tingin

Ako sayo’y nakatitig ng taimtim.

Kung bakit ba naman kasi,

Iba ang iyong pintakasi?

Gayung narito naman ako, di man seksi.

Sa takot na ika’y tuluyang mawala

Pinagpasyahang magtapat na

Subalit dili yata’t mali ang sapantaha

Tungkol sa ugali yaring kahalihalina.

Liham na pinaghirapang isatitik

Sa aking harapan ay pinunit.

“Ako’y may ibang ibig,” ani mo,

Na siyang ikinadurog nitong puso ko.

Ang puso kong gutay

Hayun at kailangan na yatang ilamay…

Bakit pa kasi umasa…

Ang isang tulad kong di naman pala papasa.

Hearts RevisitedWhere stories live. Discover now