Chapter 1.2: Her POV

337 6 0
                                    

CHAPTER 2

Angel POV

Pagkalabas ko ng bar , pumunta na ako sa parking lot para kunin ang Ducatti Superbike motor ko, aba! Mayaman ata to!

Malapit na ako sa motor ko nang mag-ring ang cp ko.

"Last Friday night

Yeah we danced on tabletops

And we took too many shots

Think we kissed but I forgot----"

That's my ringtone, wala kayong pakialam, sa yan ang gusto ko eh -_-

Nang tingnan ko ang caller ID, si mom ang tumatawag. Hmmm? Bakit naman kaya napatawag si mom? Letche masagot na nga =_=

"Hello Mom?"

(Baby, sa monday na ang pasukan ah, nakabili ka na ba ng mga gamit mo?) - Mom

"Yes mom. Kahapon lang po ako nakabili. Mom, bakit po ba kasi ako pinauwi ni dad dito?." - Ako. Saturday ngayon at sa Monday na ang pasok matanong nga kung saang school ako papasok.

(Good. Di ko alam diyan sa papa mo at bakit ka pa pinauwi diyan, hayaan mo kapag di na busy si mommy bibisitahin kita jan ah?)

"Naman Mom! Malakas ka sa akin eh, hahaha. Mom saan po pala akong school papasok?"

(Sa Weinston University ka papasok anak, kaibigan namin ang may-ari nun kaya na-enroll agad ka ng papa mo. O sya anak may gagawin pa ako, matulog ka na baby ah! Good Night and I love you)

"Love you too mom, take care, pakikamusta na lang ako kay dad."

(Sige baby, bye.)

"Bye"

Pagka-end ko ng call, sumakay na ako sa motor ko at pinaandar ito ng mabilis.

Habang nagda-drive ako, magpapakilala muna ako. I'm Angel Demonise Kauro Shin, 17 yrs.old. I'm one-fourth korean, one-fourth japanese and half filipino. My dad is half japanesse and half korean and my mom is half Filipino and half korean too, kaya natuto ako magtagalog dahil kay mom kasi tiniuruan niya ako magsalita ng tagalog kahit pa nasa Korea kami. I have a gang and my gang is the  strongest gang in Korea.

Nakatira ako sa Korea noon. Nagmigrate sina mom and dad sa Korea dahil dun nila ipinatayo ang mga business nila kaya dun na ako lumaki. Pero ito ako ngayon, nasa Pilipinas, Nagtataka siguro kayo noh??? Well, ganito kasi ang nangyari sa Korea 2 weeks before.

*FLASHBACK*

Pauwi pa lang ako ng bahay galing sa mall, nagshopping ako with may bff's ko ^__^ Pagpasok ko sa bahay bumungad ang sandamakmak na katulong namin at humilera silang lahat.

"Welcome back Young Lady." sabi niya sabay na sabi nila. tinanguan ko na lang sila.

"Young Lady pinapatawag kayo ng Daddy ninyo sa office niya." sabi ng isang katulong.

"Sige, pakisabi susunod na lang ako." and with that umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

*AFTER 15 MINUTES*

Naglakad na ako papuntang office ni dad. Ano kayang sasabihin ni dad? Minsan lang kasi kami magkausap ni dad dahil sa pagpapaakbo ng mga negosyo namin pero close pa rin kami ni dad, basta wag mo lang gagalitin dahil nagiging leon ang maamong tuta -_-

Nang nasa tapat na ako ng office ni dada, kumatok muna ako, aba malay mo may kausap pala si dad e di pahiya ako tch. At saka tanda na rin yun ng paggalang.

*TOK.TOK.TOK.*

"Come in." - dad

Marahan kong sinarado ang pinto at umupo sa upuan na nakaharap sa kanya.

"Dad pinatawag ninyo daw po ako?" 0 ako.

"Yes Princess, kailangan mong bumalik sa Pilipinas at dun na magpatuloy ng pag-aaral." - dad

"0__0 pe-pero dad..." magproprotesta pa sana ako kaso...

"No buts Angel. Sige na mag impake ka na, at 8:00 pm lilipad ang private plane natin papuntang Pilipinas, dun ka sasakay." - dad

"Yes dad." at humalik ako sa pisngi niya bago tuluyang  lumabas ng office ni dad.

*END OF FLASHBACK*

At yun nga ang naging usapan namin ni Dad pero bakit parang biglaan ata?? Ni hindi man lang sinabi sa akin kung bakit niya ako pinapunta dito??? Pero sa totoo lang, advantage din yung pagpunta ko dito because gangs or gangsters haunt us para ipapatay kami at makuha ang title na 'strongest gang' pero nqlulungkot ako at the same kasi naiwan ang mga bff's ko at baka mapahamak sila.

Naputol ang pag-iisip ko nang matanaw ko na ang gate ng mansion namin dito sa Pilipinas. Nang makalapit na ako sa gate, binuksan yun ni Manong guard. Sumenyas si Manong gurad na ihinto kaya huminto ako.

"Young Lady may mga bisita po kayo na dumating kanina, mga kaibigan niyo daw po sila."

"Sige salamat kuya ^__^" sabi ko at pumasok na saloob ng garahe para iparada ang motor ko doon.

Sino naman kaya tong mga kaibigan ko 'DAW'??? Kebago-bago ko lang dito sa Pilipinas kaibigan agad???? Tsk.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

A/N: How's the chapter 2???? Free to comment Guys :)

Sino kaya ang mga 'KAIBIGAN DAW' ni Angel??? Abangan.

His Fiancee is a LEGENDARY GANGSTER??!!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon