39. + ash's

1.5K 117 36
                                    


ash's.

"Miss na miss ko na talaga siya. gustong-gusto ko siyang kausapin kaso galit siya sa'kin. 'Di rin niya ako nirereply-an sa chat. Well reply-an man, ang cold cold niya naman sa'kin," Napabuntong hininga si Ashline at medyo napayuko, halata sa mukha niya ang kalungkutan.

Ilang araw na rin siyang nagkwekwento tungkol about 'don sa 'ex' niya daw. Ipakikilala niya nga daw ako dito kaso nga lang galit daw ito sakaniya at hindi pumapasok. Pero di bale naman daw, pag maayos na ang lahat, doon niya nalang daw ako ipakikilala.

I'm really curious about this ex of her. Sino kaya 'yon? 5 araw na daw absent eh, kaya 'di ko pa makita. 5 days? Naalala ko tuloy si Gray, 5 days na rin kasing absent ang isang 'yon.

Gagong 'yon. Nasaan na kaya 'yon? Okay, inaaamin ko miss ko na talaga siya. Namimiss ko na 'yong pangungulit niya sakin. Weird, yeah. Dati kasi palagi akong naiinis sakaniya pero simula ng lumipat siya dito sa school, medyo naaappreciate ko na rin presence lol. Medyo lang naman. Medyo galit din ako sakanya sa pangsiseen na ginawa niya sa'kin.

Pero seryoso, bakit kaya siya absent? Halos buong week nang 'di nagpapakita si gago. 'Di man lang din nagchchat pagtapos n'ong huli naming chat. Kala ko papasok na siya kasi nag-online na eh. Putek umaasa ako, umaasa sa wala. Masaquette bruh.

"Belle," sinundot ako nito sa pisngi dahilan para mapatingin ako sakanya. napatulala pala ako.

"You're spacing out," tumawa siya ng kaunti. "I said, ipapakilala kita sa mga kaibigan niya–na kaibigan ko rin. Ayos lang ba sayo 'yon?" Sambit niya at ngumiti. ang ganda talaga niya. nakakaconcious tuloy.

Napapaisip ako. Bakit kaya niya ako kinaibigan? Sa ganda niyang 'yan makikipagkaibigan lang siya sakin na walang kaibigan? Oh well, bakit ko ba kinukwestyon pa? Dapat maging thankful nalang ako na nagkaroon ako ng katulad niyang kaibigan. At oo nga pala, Belle ang tawag niya sakin. kinuha niya sa Ashebelle. sabi ko nga Ash nalang e, 'di kasi ako sanay ng Belle. Sabi niya, para naman daw maiba.

"Mababait naman 'yong mga 'yon kahit mga siraulo hehe. Promise, 'di ka magsisisi na makilala sila, makukulit 'yon at masasarap kasama," tumango naman ako at ngumiti. Tumayo na kami at pumuntang sa building ng grade 11. Nasabi ko na bang grade 11 na ako? Ashline? Gray? Sila Syntax? Parehas lang kami ng grade level. So irony.

Nakarating kami sa isang room, "Ito ang section nila. Just wait here, Tatawagin ko lang sila hehe," Ngumiti ulit siya. tumango nalang ako at naghintay sa gilid.

May kasama siyang apat ng lalaki pagkabalik niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sinasabi niyang mga kaibigan ng ex niya, at nanlaki rin ang mga mata nito.

"Uhm guys, this is Belle, Ashebelle. My new friend," Sabi ni Ashline. Nagkatinginan ang mga ito. 'Di ko mabasa ang mga tinginan nila.

"Uh, I'm Aether." Si Aether ang unang nagsalita at nakatingin ito sakin sa mata. Parang sinasabi niyang makisakay ako na ewan? Ay ewan. At oo, sila Aether, Syntax, Lewis at Jacob ang sinasabi niyang mga kaibigan ng ex niya.

"Haze here." Sabi ni Haze at tinguan ako.

"I'm Hunter." ngumiti nalang sakin si Hunter.

"Kilala mo na ako magpapakilala pa ba ako? Hehehe." Sabi ni Syntax. Ang bobo ni Syntax, shet. Bobo talaga siya, promise. Hehe. Makakatikim 'to mamaya sakin ng isang batok.

"U-uh, magkakilala sila k-kasi... Kasi! Naging kaklase na ni Syntax si As–ay este Belle nong grade 10 kami hehe." Palusot ni Haze at pinanlakihan ng mata si Syntax. Napakamot nalang ng ulo si Syntax. Shunga kasi.

"Ah, kaya pala hahaha. ay teka," naputol ang sasabihin niya.

Ay teka rin, may napansin ako, bakit wala si Gray? Hindi niya kasama sila Aether? Ay, baka hindi pumasok? Siguro hindi nanaman pumasok.

"Where's Austin?" Napatingin ako kay Ashline na ngayon ay nakakunot ang noo.

Wait, ha? Sinong Austin? May iba pang kabarkada si Gray bukod sa apat na sina Aether? Eh? Anim ba sila?

i suck at narrative. ako'y lubos na nagpapaumahin sa kalame-an nito. lels. 😂

gray Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon