Nasa loob ako ng kuwarto ko nang magising ako. The clock on my bedside table says 6am. Agad akong bumangon. pilit kong inalala ang nangyari kagabi.
Lingon sa kanan.
Lingon sa kaliwa.
Panaginip lang ba yung date?
Niyuko ko ang damit ko. Suot ko pa din yung navy dress. It wasn't a dream. "Mama! Yung first kiss ko!"
Nakarinig ako ng kalabog at papalapit na mga hakbang. Bumukas yung pinto at dumungaw si Mama. "Baby? What happened?"
"Ninakaw ni Jaron ang first kiss ko!"
Lumapit si mama sa akin na tumatawa. "Ikaw bata ka. Ano na namang napanaginipan mo?"
"Nagdate kami ni Jaron kagabi!"
"I know. Ipinaalam ka nga niya di ba?" Nakangiting ibinangga ni mama ang balikat sa akin. "How was it? Romantic ba siya?"
"He kissed me!"
"I knew it!" Pumapalakpak na sabi niya. Parang kilig na kilig.
"Ma, hindi mo ako naiintindihan!" Sagot ko sa kanya. Tumayo ako sa ibabaw ng kama ko.
Katahimikan.
"Sinisigawan mo na ako anak?"
"No, ma. I mean he took advantage of me. Dinala niya ako sa park. Nag-picnic kami under the stars then hinalikan niya ako." Paliwanag ko.
"Aiyee! Anak, dinaig mo pa ako sa first date ko noon."
Seriously? Hindi ba niya narinig yung parte ng explanation ko na he took advantage of me? "He stole my first kiss!"
"Eh? Sa kanya din naman iyon mapupunta. Hayaan mo na. Ganyan naman kayong mga kabataan, ayaw ninyo ng pinangungunahan."
Frustrated na ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Arrrgh! Suko na akong magpaliwanag sa kanya.
"Hindi ka pa ba babangon, baby girl? 8am ang pasok mo di ba?" Tanong ulit sa akin ni Mama.
Bumalikwas ulit ako ng bangon. Oo nga. Sinulyapan ko ang alarm clock ko. 6:30 na. Nyaay! 30 minutes kong ipinaglaban ang pagkawala ng first kiss ko? "Mama late na ko!"
"Ipapabaon ko na lang sa'yo ang breakfast mo, baby!"
Luckily, nakarating ako sa school ng 7:50. Buti na lang, hindi traffic. Tumakbo agad ako paakyat sa room namin. Habang naglalakad ako sa hallway, bigla kong naalala si Jaron. Paano ko siya haharapin?
Nakahinga ako ng maluwag nang makalapit ako sa room. Maingay pa sa loob. Meaning, wala pang prof. Pumasok ako.
Nakakabinging katahimikan..
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Lahat sila nakatingin sa akin. Bakit? Tiningnan ko ang upuan ni Jaron. Andun na siya at prenteng nakapangalumbaba. Alam ba nilang lahat ang nangyari kagabi?
Umupo ako sa silya ko. Doon na lumipat ang tingin sa akin ni Jaron. He was the serious, stiff Jaron again. Perfectly styled na ulit ang buhok niya at ni walang isang gusot ang suot na uniporme.
"Saan ang giyera?" Tanong ni Jaron sa akin. Nakatitig siya sa ulo ko.
"Huh?"
"You look like you went out straight from the shower." He tugged at the towel wrapped around my hair.
Napasinghap ako kasabay ng pag-iinit ng buong mukha ko. Nasanay akong nagbabalot ng towel sa ulo ko pagkatapos maligo. Nawala sa isop ko na hindi ko pa pala natatanggal iyon. Nagsipagtawanan ang mga kaklase namin. Gusto kong maiyak sa kahihiyan.
"Stop!" Sigaw ni Jaron. "Quit laughing or I'll make all of you regret ever opening your mouth."
Agad na nagsitigil ang mga ito.
"Come on." He tugged at my hand. Hawak niya sa kaliwang kamay ang basang towel ko.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot. Nasalubong namin si Prof. Alang-ala habang naglalakad sa hallway pero hindi natinag si Jaron. "Ma'am. Allie is not feeling well. I'll take her to the clinic."
Pero hindi ako sa clinic dinala ni Jaron. Sa Fire Exit kami napadpad. Naupo kami sa pinakamataas na baitang ng hagdan. "Give me your hair brush."
Walang tanong ko siyang sinunod. Nagulat ako nang simulan niyang suklayin ang buhok ko. "Jaron?"
Hindi siya sumagot. But I'm sure he's listening so nagpatuloy ako. "Why did you helped me?"
"Bakit hindi?"
"I'm your rival."
"No, you are my fiancee. Ikaw lang naman ang lumilikha ng competition sa pagitan natin."
Natahimik ako. Pinagmasdan ko siya. Fiancee. He said it like he was saying a normal thing. Walang halong emosyon. Walang bakas ng pagrerebelde sa boses niya.
"What exactly do you feel about this arranged marriage? Bakit pumayag ka?" Iyon ang unang beses na tinanong ko siya tungkol doon. Masyado kasi akong nafocus sa pagkainis ko sa kanya.
"Sanay akong sumusunod kina mama at papa." Sagot niya.
The feeling is mutual. Hindi niya rin ako gusto. Parehas lang kaming napilitang sumunod sa parents namin. Pero... "Jaron, anong ibig sabihin ng nangyari kagabi?"
Natigilan siya. Ewan ko kung imagination ko lang ba na may nagdaang panic sa mukha niya. Tinitigan niya ako. "Let's just forget about it."
First kiss ko, tapos sasabihin niyang kalimutan namin? "Forget? Pagkatapos mo akong nakawan ng halik?!"
Kitang-kita kong kumalat ang sindak sa mukha niya. Tipong para siyang nakatuklas siya ng malaking krimen. "I-I did w-what?"
"You need a complete recount of what happened last night? Nakalimutan mo agad?"
Nakabawi rin siya agad. "Sorry. Masakit kasi ang ulo ko kagabi. Nag-take ako ng gamot. I guess naghalo ang epekto niyon sa wine na nainom ko. Hindi ko maalala ang ilan sa mga nangyari kagabi."
Medyo huminahon ako. Narinig ko na iyon. May mga gamot talaga na hindi puwedeng mahaluan ng alcohol. But still, hindi ako ganoon kauto-uto. Something is different between him and the man I've been with last night.
"Jaron?"
"Yes?"
"May kakambal ka ba?"
BINABASA MO ANG
Darke's Secret
General FictionKahit maubos ang lahat ng lalaki sa mundo, isinusumpa ni Allie na hindi siya magkakagusto kay Jaron Darke Avecilla. Kahit hearthrob pa ito ng SunEast Academy. Kahit pa gaano ito kayaman. At kahit ito pa ng pinili ng mga magulang niya para maging hus...