Chapter Two: Seductive Disaster

31 3 0
                                    

Napilitan ako sumama sa kanya na mag-dinner sa labas. Pagbaba ko sa living room, andun na si Jaron at naghihintay. He changed his clothes into a brown leather jacket with semi-fit gray shirt underneath and a dark denim jeans. His hair was messy. Parang sinuklay lang gamit ang mga daliri. Malayo iyon sa perfectly styled hair nito kapag nasa school. He looked like every inch a laid-back guy and it suit him.

Conscious akong napahawak sa laylayan ng suot kong above-knee navy blue dress. Parang hindi iyon bagay sa get-up niya. Nilingon niya ako at tinitigan. Muling bumalik ang confidence ko nang makita sa mata niya ang paghanga sa itsura ko.

"Aalis na po kami Tita." Paalam niya sa mama ko. Kinuha niya ang kamay ko at iginiya ako palabas.

"Ingat kayo, mga anak." Sagot ni mama. See? Anak na din ang tawag niya kay Jaron.

Paglabas namin ng gate ay may nakaabang na black ferrari. Bumukas ang bintana niyon sa driver seat at tumambad ang mukha ng pinsan niyang si Claude. Guwapo rin ito. Matangkad. Kaklase namin ngunit di nga lang ka-level ng utak ng fiance ko kaya hindi naman ako nate-threathen sa kanya.

"Hi, Allie." Bati niya sa akin.

"Hi." Bati ko rin. "Kasama ka?"

"Nope. Ida-drop ko lang kayo. May pupuntahan pa kasi ako."

"Ah okay." Wika ko. Ipinagbukas ako ng pintuan ni Jaron at pumasok na ko sa loob ng kotse. Naupo ako sa kaliwang side.

Nang makaupo rin si Jaron ay ipinatong nito ang kaliwang braso sa sandalan ng backseat so kahit hindi nagdidikit ang balat namin, mukha siyang nakaakbay.

"How was your day?" Tanong niya sa akin. Medyo nadistract ako dahil husky yung boses niya at ang lapit ng mukha niya sa akin. Tumama sa pisngi ko ang hininga niya kaya naamoy ko. Spearmint.

"It was fine." Parang hindi ako huminga habang sinasabi ko iyon. Bakit ba ganito ang dating niya ngayong gabi? I mean, guwapo rin naman siya kapag nasa school at malakas din ang appeal. Pero iba siya ngayon. Iba yung pull. Parang gusto ko yung paraan ng pagkakadikit niya sa akin at yung confidence niya na hindi hinatak mula sa nalalaman niya sa klase kundi confidence mismo mula sa sarili niya.

Nakatitig pa rin siya sa akin. "Good."

Feeling ko lang ba na pahina ng pahina ang boses niya?

"We're here." Anunsiyo ni Claude.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakahinto kami sa harap ng isang park. "May restaurant ba dito?"

My fiance smiled at me. Iyong ngiting boyish pero charming? Inalalayan niya ako palabas. "Wala."

"Anong ginagawa natin dito?"

Lumabas din si Claude dala ang isang picnic mat at basket. Inaabot iyon sa kanya at muling sumakay sa kotse. "I'll go ahead."

"Dito tayo kakain ng dinner." Sagot niya na ikinatunganga ko.

"Darke." Muling tawag ni Claude. "Babalikan ko kayo at exactly 10:30 okay?"

"Fine." He waved his hand. "Alis na."

Napailing lang si Claude at pinaandar ang sasakyan.

Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako sa pathways ng park. Inilibot ko ang tingin sa lugar. Maganda pala dito pag gabi. Parang ang romantic ng effect ng mga poste sa gilid ng pathways. Huminto kami sa part kung saan walang gaanong puno. Puro fine grass lang.

Inilatag niya yung mat at inilapag iyong picnic basket. Kumuha siya ng dalawang paper plate at iniabot sa akin ang isa. Inilabas niya yung mga tupperware ng ulam. Pininyahang pork, chicken mechado at relyenong bangus. Yum.
Nagtaka ako nang tumigil siya sa paghalungkat sa basket at tumingin sa akin. Hindi katulad ng tingin niya kanina. May bahid ng pangingimi ang itsura niya ngayon. "Kumakain ka ba ng nagkakamay?"
"H-ha?"

Ngumisi ito. His eyes lit up again with mischief. "Nakalimutan ko pala ang kutsara't tinidor."

"Oh. It's okay."

Bumalik siya sa tabi ko. Kinamay niya ang kanin. Hindi mahinhing klase ng pagkuha kundi dakot talaga. Nilipat niya sa pinggan ko. Akmang ilulublob niya na rin iyong kamay niya sa tupperware na may lamang mechado pero pinigilan ko siya.

"Eeeeh! What are you doing? That's gross!" Sigaw ko. Hawak ko pa rin ung kamay niyang may mga nakadikit na kanin.

"What? You said it's okay." Wika niya. He sounds perfectly innocent.

"Bakit mo dinadakot yung pagkain? Eew! Eew!"

"Malinis ang kamay ko ha. Ikaw palang hinawakan ko kanina."

"I can get my own food." Sagot ko sa kanya. Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan yung kamay niyang puno ng kanin.

Napatitig siya sa akin. His eyes are shining with glee. Parang bata. "You are really cute."

Umiwas ako ng tingin. Binitawan ko ang kamay niya. "Kumain ka na nga."

Ngumisi siya. Hindi na kami nag-usap habang kumakain. Ang bilis niyang nakaubos ng dalawang platong kanin.

"Punasan mo ulit yung kamay ko, sweet princess." Sabi niya sa akin. May bahid iyon ng paglalambing at kapilyuhan.

Eh? Sweet princess daw? "Tumigil ka nga. O ayan tissue. Punasan mo ang kamay mo."

Nagpunas naman siya. Tapos binigyan ako ng matunog na halik sa pisngi. Arrgh! May bakas pa nga ng sauce ng mechado yung lips niya eh! "Kahit masungit ka gusto pa rin kita."

"What are you doing?!" Pinunasan ko ung right cheek ko.

"Er, taking advantage of you?" Hindi pa rin naaalis sa mukha niya iyong boyish grin niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"

Okay, he looked cute when he do that pero O as Ostrich, M as in Mama at G as in Galunggong! Hindi naman siya ganito kapilyo sa school. Kumain na rin kami sa labas pero hindi tulad nito. We barely spoke with each other.

"What's wrong with that? Fiancee din naman kita." Katwiran niya. Muli siyang dumikit sa akin.

Din? Something's really wrong with him tonight. Humiga siya sa damuhan at tumingin sa mga bituin. Mayamaya ay umisod siya palapit sa kin at ginawang unan ang mga hita ko.

"Huwag ka ngang humiga. Kakakain mo lang." Sabi ko.

Tinawanan lang niya ako saka pumikit.

"Jaron, hindi pa tayo uuwi?"

"Huwag mo nga akong tawaging ganyan."

Eh. Bakit? Pangalan niya naman yun. "So anong itatawag ko sa iyo?"

He smiled mischievously. "Sinta."

Inalis ko ang ulo niya sa hita ko at tumayo na."Umuwi na tayo."

Hinila niya ulit ako paupo. "I haven't accomplish my goal tonight."

Kumunot ang noo ko. "What's that?"

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. He stared at my lips. Bagay na ikinalaki ng mata ko. He would kiss me. I will bet my money that it's what he's planning to do. Ayokong magpahalik sa kanya. Pero bakit ganito? Why am I anticipating the touch of his lips on mine?

"Mark this day." Lalong lumapit ang mukha niya sa akin. Super close na feeling ko nai-inhale ko na iyong hininga niya. Kusang umawang ang bibig ko. "September 21, nine o'clock in the evening. The night we had our first kiss."

I fainted.

Darke's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon