Section Rose(2016)

24 0 6
                                    

Pasukan na.
Hinatid ako ni Mama sa school.Grade 7 na ako,naabutan kasi ako ng K-12.Wohhh,ito na ang highschool life.Hindi ako excited,kinakabahan ako dahil baka wala akong kaklase sa section na panggagalingan ko.Nagpaalam na ako kay Mama.
Hayyss,late na yata ako.Tumingin tingin muna ako sa paligid.Dahil wala namang Grade 7 dun sa dati kung school,lumipat ako sa iba.Actually,napilitan lang akong lumipat dito kasi kinulit ng kaklase ko yung mama ko na dito na rin mag aral para sabay na daw kami pumasok.Well,tinulungan nya akong mag enroll dito.Madami din namang mga kaklase ko na dito din nag enroll.Buti na lang talaga dito ako nakapag enroll.

Hinahanap ko na sa listahan yung pangalan ko.
Hinanap ko sa Sampaguita at Dandelion.Wala,Hayss,kinabahan ako baka wala sa listahan yung pangalan ko.Naghanap ulit ako.
Yun,nahanap ko na din.Nasa section rose ako.
Hinanap ko na sya.Wohh,kinakabahan talaga ako.
Habang naghahanap ako,nakasalubong ko yung kaklase kong si Rojean.

"Psstt,Annie Jane"-Rojean.Nagulat ako kung sino ang tumawag sakin.Humarap ako sa kanya.
"Oh,ikaw pala Rojean.Anong section ka?"-ako.
"Ahhmm,hinahanap ko pa eh...section Rose ako"-Rojean
"Ako din eh...Magkaklase ulit tayo"-Ako
Tapos nun,hinanap na namin yung section namin.Umakyat kami sa second floor at sa third floor.Hindi pa din namin nahanap kaya bumaba kami.
At yun,inisa isa namin yung room sa baba.

Tapos,sa wakas nahanap na rin namin yung section na Rose.Antahimik nung pumasok kami dun.Pero kami ni Rojean hindi,nagtatawanan pa nga kami habang papasok kami dun sa room.At dun,nakita namin si Leomar.Siya din yung kaklase namin yung nakaraang pasukan.Hindi muna namin sya pinansin,kasi antahimik nya eh.
Kaya umupo na lang kami ni Rojean dun malapit sa kanya.Sa likuran kami nakaupo.
Nag usap at nagkwentuhan na kami ni Rojean.
Habang tumatagal,lalong umiingay.

"Hello,pwedeng makiupo?"-???
Natigil yung pag uusap nami ni Rojean.May bakante pa namang upuan sa kaliwang side ni Rojean.
"Ahmmm"-Rojean...Tumingin sakin si Rojean,humihingi ng opinyon.
"O sige,dito sa kaliwa nya*turo sa side ni Rojean*".-Ako
Umupo na sya sa tabi namin.
"Ako nga pala si Geramae"-yung babae
At yun,nagpakilala kami sa kanya.Hanggang sa nagtatawanan at nagkukwentuhan na lang kami.
Hanggang sa tumahimik ang lahat at nagsitayuan,pati kami syempre.

"Good Morning mam"-lahat kami.
"Good Morning din.Take your seat now"-teacher
Magsiupuan naman kami.Nagpakilala sya samin,sya daw si Mam Donisio.Hindi pala sya yung adviser namin.Absent daw muna yung adviser namin ngayon.May inasikaso lang daw yun.May mga sinabi pa sya samin.

Pagkatapos nun,maingay na naman.
Nagtatawanan,nag aasar at nakukwentuhan.
Pero di ko parin maiwasang maisip yung mga nakaraang kaklase.Hindi lang naman kaklase ang turingan namin,kundi magkakaibigan.
Uwian na namin.
Wohhh,nakakapagod din naman yung first day of school.
Ambigat ng bag ko,dahil sa 9 na librong dala ko.
Nagfacebook ako,dahil wala akong magawa.

(Fastforward)
Nasa school na ako.
Pumasok na pala yung adviser namin.Late na naman ako,buti na lang hindi pa sila nag uumpisa.
Umupo na ako sa tabi ni Rojean.Nagkukwentuhan sila ni Geramae.
"Oh,bakit ngayon ka lang?"-Rojean
"Tinamad akong gumising ng maaga eh"-ako
"*kumakain ng tinapay*Ahh,gusto mo?*abot ng tinapay*"-Geramae
"Ahmm,sige...Eat well na lang,Thanks"-ako

Umupo na ako at nagmuni muni.Inaantok pa kasi ako eh.
Yun dumating na yung adviser namin.
Tila tumahimik ang lahat.

Nagpakilala sya samin.
Sya daw si Mrs.Agnaya.Kakapanganak lang daw nya nung nakaraang dalawang buwan.Medyo nagulat ako kasi hindi naman halata sa kanya na kapapanganak nya pa lang.Malaki yung tyan nya,pero hindi talaga halata.

Tapos nagpatest si Mam.Pretest daw,kahit daw hindi na namin galingan pero mas mabuti na daw na galingan.(Ang gulo noh??Hahahahah)

Tapos,chineckan na namin at pinatayo sa unahan ang highest.Sampo yata sila o 12,hindi ako napasama dun,hindi ko naman ginalingan.
Pinalakpakan namin sila,at syaka pinaupo na rin sila.Umalis lang saglit si Mam.

Nag uusap kami nila Rojean at Geramae.
Nang may nangungulit sakin .Yung katapat ko lang na lalaki.Ewan ko nga kung ano ang pangalan nya.
Tinatanong nya kung ano ang pangalan ko.Eh
sinagot ko na para matahimik na.Akala ko kung sasagutin ko yun mananahimik na sya.Hindi pa pala.Yung kasama nya pa lang lalaki yung nagpapatanong.
Kamukha ko daw kasi yung Allysa yata yun.Hindi naman ako naniniwala.Ako may kamukha?Naks,ewan ko lang ha.Ilang araw din akong kinulit nun.Tinanong nya sakin yung email ko sa fb.Pinilit nya akong ibigay sa kanya.Sa inis ko,pumayag ako.At yun,inadd nya ako.Inaccept ko na lang baka mangulit ulit eh.Tapos yun,chinachat na nya ako.Sinasabihan ba naman ako ng I love you,mahal kita o kaya naman tinatawag akong my loves at baby.Hayyss,nirereplyan ko na lang nang"Huwag mo akong pagtripan loko".Yun,ayaw pa ding tumigil eh.

Change TOPIC
7:30 am na,wala si mam,nagkukwentuhan kami nila Leomar,Rojean,Geramae at Liezel.Kami kasi yung nasa hulihan ang upuan sa right side.
Nagkakilala kami ni Liezel dahil malapit lang ang bahay namin sa kanila.Nung naglalakad ako pagpunta sa school,nakita ko syang nakabike na nagpapadyak ay ang papa nya.Nakita nya din ako,yung time na yun di ko pa sya close pero nakakausap ko sya kasi katabi lang sya ni Leomar.Kaya sumabay sya sakin sa pagpasok.

~Tungs FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon