HugoTUNGS #02

13 0 0
                                    


Sabi nga nila,''Pahalagahan mo hanggang nandyan pa sya kasi pag nawala sya tsaka mo lang makikita ang halaga nya.''

Yan yung katagang binabalewala ko lang dati na sinasabi ko sa sarili ko na puro kadramahan lang ang alam nyo sa buhay nako.Pero ngayon,nagbago ang pananaw ko.

Sa bawat pagpikit ko ay naaalala ang mga pagkakataong kinukulit mo ako para makuha ang atensyon ko.Tatadtarin ng message ang messenger ko kapag di ako nakakapagreply agad.Aaminin kong pinagtatawanan kita kasi ang kulit mo.

Mga yakap na kay higpit na aking nadadama sa tuwing ako'y nalulungkot.Oras ko na sa social media site ay dapat sayo ko binibigay.Ilang araw na rin ang nakakalipas nung huli mo akong kinausap.Di ko naman alam ang dahilan dahil sa di ka naman nag oOnline sa mga social media accounts mo.Kahit isang reply lang,isang reply na magpapaliwanag kung okay ka ba at anong nangyari sayo.Ayun lang naman ang hinihiling ko.Promise ko sayo di na ako mangungulit sayo.

Tanging  nagiging lakas ko na lang ay yung mga picture na kuha nating dalawa ng magkasama.Mga corny jokes at banat mo na lang ang nagpapatawa at nagpapangiti sakin.

Kaya sana di pa huli ang lahat para makabawi sa mga pagkukulang ko.

Kaya kung ako sa inyo,wag na kayong magsayang ng oras sa kung ano mang bagay. Pahalagahan at ipadama nyo sa kanila kung gaano sila kahalaga sa inyo bago pa mahuli ang lahat...

~Tungs FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon