"ANG SIMPLENG AKO"

11 0 0
                                    

Hi naman diyan.... Ok!  I will introduce my self first..   hmmmm....
Ako nga pala si "Jethro", isang simpleng binatilyo. Nakatira sa Mismong lugar na siguradong ayaw mong tumira "KaLye". Ako ay 20 yrs old na ngayon. Gwapo, Maputi, Matangkad, Pero sabi nga nila parang hindi raw ako nakatira sa isang KaLye kasi ang kutis ko daw
ay pang mayaman. Ewan ko ... Basta ang naaalala ko lang ay  iniwan ako ng pamilya ko. Kaya nandito ako sa kumupkop sakin.

3 yrs old ako nun...

(17 yrs ago)

" Jethro, baby ko..dont worry andito si Mommy at daddy"...   
Hon.... Bilisan mo pa..   Maaabutan  na tayo ng mga holdaper...

Hinahabol kami ng mga holdaper na nakasakay sa dalawang
Motorsiklong itim..   

"Bang..... Bang....   Bang......    Ang tanging narinig ko lang ay isang malakas na Putok..  At ang iyak ng Mommy ko...

" Anton.... Gumising ka.....   Gumising ka...  Sabi ni mommy habang umiiyak.

Nung nahinto yung car ay tumalon si mommy sa isang tulay na may kanal. Habang karga-karga niya ako.
Dahil hinahabol kami ng mga
holdaper... Nagtago kami sa isang imburnal...

"Bang.....bang.....bang....."

"Baby, dito ka lang ha...   Pupuntahan ko lang yung mga taong humahabol sa atin... Ok??   Wag matigas ang ulo....   Wag kang lalabas hanggat wala pa ako...."

"Mommmmmy.......    habang umiiyak nung umalis na sya.

Bang....bang....bang.... Bang.....

Yun ang narinig ko matapos ang ilang minuto. Mga 4 na beses na Putok...

Lumipas ang mga ilang oras... Hindi pa rin bumalik si mommy....
Hanggang sumapit ang gabi ay wala pa rin ang mommy ko....

Iyak ako ng iyak.....  Dahil nanginginig na ako sa gutom at ginaw na dulot ng ulan sa gabing iyon....

" huhuhu...... Mommy ko...... Huhuhu.... Mommy.....   Mommy..... Mommy... Huhhu.......  

  Pasigaw ko na iyak para may makarinig.    

May isang Ale na napadaan sa gabing iyon at siya si Nanay Coring...   Ang bago kung nanay.....

"Hesus Maryusep".....     " kawawang bata...
.   nasaan ba nanay mo?   

"Baka mapano tong batang to'...  Napaka irresponsableng magulang naman to'....

Saan ba magulang mo??!.....

Tanong niya... Habang umiiling lang ako.... At tahimik na nakatingin sa kaniya.

"Simula ngayon...  Ako na ang pamilya mo...  Ako na ang nanay mo....

Wala na akong magagawa dahil kinarga na niya ako. At dinala niya ako sa kanyang munting tahanan sa isang "Kalye".      

" sino na naman ang batang iyan......"
Sabi ni Tatay Jose na siya ngayon ang tumatayong ama ko.

"Napulot ko yan... Dun sa may imburnal... Iniwan ng magulang...
Eh...  Kaya pinulot ko...  Naawa ako.."

"Hah?....  Alam mo namang halos Hindi tayo makakain ng tatlong beses isang araw tapos nagdag-dag kapa ng bagong palamunin?!....
Nag bibiro ka ba?!.....

Pasigaw na sabi ni tatay jose kay nanay coring.

"Kung ikaw nasa kalagayan ng bata?!...
Alangan naman hindi kita tutulungan..."    Ani ni nanay...

Lumipas ang mga ilang minuto ay
Nakarinig ako ng batang umiiyak sa may kwarto.  Iyon ay si "Annie".

"Nanay........?

Mag ka edad kami ni Annie. Kinupkop din siya ni nanay coring. Napulot siya ni nanay coring dahil sa sobrang awa. Natupok ng apoy ang bahay nila pati na ang mga magulang ni Annie.

" anak.. Bakit..? Sabi ni nanay coring..

"Nanay....takot po ako" ....paiyak na sabi pa niya.

"Annie..... May bago ka nang kapatid....

" opo nanay.....

Habang ako ay tahimik lang sa may upuan. Binigyan ako ng mainit na gatas at tinapay na binili ni tatay jose.

Simula ngayon sila na aking bagong pamilya. At si Annie ang aking bagong kababata. Alam namin na hindi kami magkapatid at hindi kami kadugo. Ampon lang kaming dalawa.

Lumaki kaming napaka-close ni Annie.  Maganda siya. Lalong gumanda siya habang tumatagal ang panahon.
Hindi ko maiwasang magka-crush sa kanya ngunit itinago ko ang lihim na ito hanggang Naging lubos na Dalagita at Binatilyo na kami.

Aaminin ko Crush ko si Annie. Ngayong dalagita na siya lalong gumanda siya. Matalino rin sya  at Matangkad. Kamukha niya si Julia Barreto. Kahit sinong lalake ay magkaka-gusto sa kanya.

18 years Later........

(Thank you for reading my Story)

KaLye NoveLa: Ang LoveLife KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon