"uhmmm,,,,, Lolo! Paramihan ng sago yung gulaman ahh!!!" paalala ko Kay Lolo gulaman.
"Haaayy nako, etong batang talaga o, oh! Anu na naman ang
binabalak mo dyan sa mga sago?" Tanong sakin ni Lolo gulaman habang inaabot sakin yung gulaman kong nasa supot na plastic.
"Ahahahahahaha!! seeeecreeet po Lolo!" sabi ko habang kinuha yung binili ko.
"Naku! Ako ang kinakabahan sayong bata ka! Basta't lagi kang mag iingat, hah?" paalala ni Lolo gulaman.
"Ay syempre naman po Lolo. Pramis! Sige po, una na ho Ako lo. Salamat po!" at sumakay na Ako ng tricycle pauwi. Sa likod ako sumakay, para syempre mahangin. XD
Ganyan Ako palagi galing sa school. Suki na Ako ni Lolo gulaman doon kasi lagi akong bumibili sa kanya.
Ako nga Pala si Feb. Short for February. Ang cool noh? Bukod kasi sa February ang birthday ko, ang pangalan ng mommy ko ay Felicia at ang daddy ko naman ay Brandon. Kung pano naging February? Aba malay ko. Tanungin mo sila sa kabilang buhay.
Yup. They're dead. Bata palang Ako nung naaksidente sila. I'm currently living with my Lola. Only child lang ako eh. Pero di naman Ako nabuhay sa lungkot. Actually, it was the total opposite. Masaya Ako with my Lola. I can say she raised me well.
I'm a happy-go-lucky girl. Puro kalokohan, pero matalino't masipag naman Ako. Siguro side effects ng pagiging matalino yung pagiging maloko. Basta't mga kakaibang mga gimik, nakow, marami akong alam.
Tulad nalang ngayon. [insert evil smile here]
Inubos ko na ang gulaman ko pero tinira ko ang mga sago.
May idea na siguro kayo kung anong gagawin ko noh? BWAHAHAHAHAHA >:D
Kinuha ko ang straw ko at nilagyan ng sago sa loob.
1st target: Si kuyang kumakanta na wala sa tono!
*SOOOOOOOT*
SAYAAAAANG! Di tumama! hmp! Ay! eto nalang!!
*CHARGE*
2nd target: Si ate-ay! Kuya pala. Nubayun. =____=
*SOOOOOOOT*
Ahahahaha! Sapul sa Tenga! xDD Katawa yung reaction nya dre. Tumili pa.
*CHARGE*
3rd target: Si lolo panot! Ahaha!
*SOOOOOOT*
Ahahaha! tumalbog sa noo ni tanda!
Hala! Nakita ako!
Tinago ko ang mukha ko sa bag ko para di ako makita ni lolo panot. Mahirap na. Baka ipa dukot ako nito sa mga Kidnappers. Wala akong pang ransom.
Anyway, umaandar naman yung tricycle kaya ok lang.
Naghanap na ako ulit ng pwedeng biktimahin......
Nagulat ako ng bigla nalang inovertake-an ni manong drayber ng tricycle yung sinusundan naming kotse.
kaya ngayon may katabi na kaming jeep......
Nilibot ko nalang ulit yung mata ko sa paligid hanggang sa.....
May nakapukaw ng atensyon ko.
SHETE. ANG GWAPO.
Hindi ko manlang namalayang tinitigan ko na pala ang mala-anghel na mukha ng isang lalaking pasahero sa katabi naming jeep. Di kaya, artista to?
BINABASA MO ANG
Sumpit at Sulat [WANSHAT]
Novela Juvenil"Minsan, Hindi lahat ng girl meets boy ay CLICHÉ. Kase ako, nakilala ko sya sa paraang di ko kailanman inaasahan." — Feb Si February. Isang napakalokong bata na kung ano anong trip ang naiisip. Isang araw, naisipan nyang manumpit sa mga random and...