Sa kanilang harap ay naglalaga ng mga dahon si Mang Ben. Matapos itong amuyin ng ilang beses, sinala niya ito at pagkatapos ay dinikdik ito gamit ang isang malaking bato. Nang mapulbo ang mga dahon, binalot niya ito gamit ang isang pulang tela. Pagkatapos ay naupo siya sa harapan nina Andrea at Anton.
“Kayong dalawa, sigurado ako na kaya kayo naparito ay dahil nag-iibigan kayo.”
Nagkatinginan sina Andrea at Anton at pagkatapos ay tumango.
“Mabuti yan,” sabi ni Mang Ben. “Alam niyo kasi, napakalakas talaga ng kapangyarihan ng emosyon. Pag-ibig, katuwaan, galit, kalungkutan. Lalo na sa mga di-nakikitang nilalang.
“At hindi natin maiiwasan na talagang may mga nilalang na nahuhumaling sa mga tao. Madalas ay naaakit sila sa kagandahan ng isang tao, o kaya naman ay sa kabutihang loob nito. Sa kasamaang palad, ang mga nilalang na ito ay talagang seloso at mapang-angkin kaya’t ayaw nilang may ibang nagkakagusto sa taong kinahuhumalingan nila.
“Pero huwag kayong mag-alala. Kung totoong nagmamahalan kayo, iyan ang inyong magiging proteksyon. Gagamitin natin ang lakas ng inyong pag-ibig laban sa pag-ibig ng nilalang sa iyo, Andrea. Pag-ibig laban sa pag-ibig. Kaya’t siguraduhin ninyong mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa nararamdaman ng nilalang.
“Handa na ba kayo?”
Naghawak kamay si Andrea at Anton. “Handa na kami.”
Nagsimulang magdasal si Mang Ben habang hawak-hawak ang pulang tela. Hindi maintindihan ni Anton ang sinasabi ng albularyo ngunit sa tingin niya ay ito ay wikang Latin. Bigla-bigla ay humangin ng malakas. Nilipad ang mga dahon na nakapatong sa lamesa. Ngunit ang ipinagtataka ni Anton ay hindi naman gumagalaw ang mga dahon ng puno sa labas. Mukhang tanging sa loob lamang ng kubo mayroong malakas na hangin. Patuloy lamang sa pagdarasal si Mang Ben.
Biglang tumayo si Andrea at sumigaw.
“Andrea!” bulalas ni Anton.
Para bang mayroong humihila sa dalaga. Hinigpitan ni Anton ang pagkakahawak sa kamay ni Andrea at hinila ito papalapit sa kanya. Ngunit sadyang malakas ang kung anong humihila sa babae.
“Ipakita niyo ang lakas ng inyong pag-ibig,” malakas na sabi ni Mang Ben.
“Hindi kami magpapatalo!” Tumayo si Anton at mahigpit na niyakap si Andrea. Mahigpit din siyang hinagkan ng dalaga. Lalong lumakas ang hangin sa loob ng kubo, halos liparin na ang mga gamit. Naramdaman ni Anton ang muling paghila sa dalaga ngunit pakiwari niya ay para bang nabawasan ang lakas nito.
“Lubayan mo na kami. Mas malakas ang pag-ibig namin sa iyo!”
Walang anu-ano ay biglang tumigil ang malakas na hangin. Nawala na rin ang puwersang humihila kay Andrea. Dahan-dahan ay kumalas ang dalawa sa pagkakayakap.
“A-Anong nangyari?” tanong ni Andrea.
“Tapos na,” sagot ni Mang Ben na dahan-dahang tumayo.
“T-Talaga ho?” tanong ni Anton.
“Oo.”

BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Part I
ParanormalI made this story cause ilove horor. pero may pagkakataon talaga na sobrang adik kana sa horor ay akala mo ay may laging nakasunod sayo? guys na feel ko nayan yung pag ka maghihilamos then may maiisip kanalang ng may tao sa likod or may papasok big...