chapter 4

377 4 1
                                    

A-Anong nangyari?” tanong ni Andrea.

“Tapos na,” sagot ni Mang Ben na dahan-dahang tumayo.

“T-Talaga ho?” tanong ni Anton.

“Oo.”

Muling nagyakapan ang dalawa sa tuwa.

“Nagtagumpay kayo. Napatunayan niyo na mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa pag-ibig ng nilalang na iyon.”

“Maraming salamat po, Mang Ben!”

“Wala iyon. Heto, tanggapin niyo ito.” Inabot ni Mang Ben ang hawak niyang pulang telang may lamang mga dinikdik na dahon. “Proteksyon iyan upang wala nang mahumaling na nilalang sa iyo.”

Nag-aalangan ngunit inabot ni Andrea ang pulang tela.

“Isuot mo lang lagi sa iyo yan. Po-proteksyunan ka niyan.” Kinuha ni Mang Ben ang isang bangkong natumba at pabagsak na naupo. Hinihingal ito na para bang pagod na pagod.

“Maraming salamat pong muli, Mang Ben.”

###

Sa unang pagkakataon ay nakalabas ang dalawa at nakapamasyal ng magkasama. Marami ang nagulat ng makitang walang nangyaring masama kay Anton.

Papauwi mula sa panonood ng sine, nakatayo ang magkatipan at naghihintay ng masasakyang jeep.

“Nag-enjoy ka ba, Andrea?”

“Oo, Anton. Maraming salamat, ha.”

“Wala yun. Basta para sa’yo, gagawin ko kahit ano.”

Walang anu-ano ay mayroong sumakal kay Anton mula sa likuran.

“Ano-”

Isang malamig na palad ang tumakip sa kanyang bibig. Naramdaman niya na tumusok sa kanyang pisngi ang matatalas na kuko nito, dahilan upang tumulo ang dugo sa kanyang leeg.

“H-Hinde!” mahinang sabi ni Andrea.

Anong nangyayari? may takot na tanong ni Anton sa sarili.

“Akala niyo ba mapapaalis niyo ako ng ganun-ganun lang?” Isang nakakatakot na boses ang nagmula sa kanyang likuran.

Sino ito?

“H-Hindi!” bulalas ng dalaga. “Hindi mo na dapat kami gagambalain. Natalo ka ng aming pag-ibig.”

Tumawa ng malakas ang lalaking nasa likuran ni Anton. Nakakakilabot ang tunog ng kanyang halakhak, parang galing sa ilalim ng lupa.

“Tinalo ng inyong pag-ibig ang aking pag-ibig?”

“O-Oo,” sagot ni Andrea.

Ang Manliligaw Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon