KHYBER'S P.O.V
"Namiss ko 'to" sabi ni Erika.
huh? nakapunta na siya dito?
"ako rin eh" sabi ni James.
"parehas pa rin ba room mo?" tanong ni Erika.
ANO? NAKAPUNTA NA SIYA SA KWARTO NI JAMES!!!.
"yup" sagot ni James.
"asan na?" singit ko sa usapan nila.
"Diiiiiito" sabi niya at huminto kami sa harapan ng isang kwarto.
"Oo nga ganon pa rin, walang nagbago" sabi ni Erika.
so nakapasok na siya dito sa kwarto niya?
"Haha, you know me" sabi ni James.
"so simulan na natin yung project?" tanong ko.
"Sure" sabi nila James at Erika.
at ginawa na namin yung project.
sa katahimikan may kumatok sa pinto.
*knock* *knock* *knock*
tumingin kaming lahat sa pinto at yung mukha namin parang malapit na ang aming kamatayan.
*knock* *knock* *knock*
ngayon masmalakas yung katok.
"James buksan mo" sabi ni Erika ng pabulong.
"Ayoko! si Khyber nalang, malapit naman siya eh" sabi ni James.
"Ikaw nga sabi eh" sabi ko.
*knock* *knock* *knock* *knock* *knock* *knock*
ngayon masbumibilis ang pagkatok at malakas.
pumunta si Erika sa likod ni James.
"Buksan mo na Khyber!" sabi ni Erika.
"Ito na po" sabi ko at kinuha ko yung libro.
"ano gagawin mo diyan?" tanong ni James.
"pang defense lang" sabi ko.
dahan-dahan kong binuksan yung door knob at....
may batang babae at mukha siyang si Sadako! ang gulo ng buhok at nakaputi pa siya ng damit.
napatakbo ako at pumunta sa kanila James.
"Ano gagawin mo sa amin?!?" sigaw na tanong ni Erika.
"Kuyyaaa" tawag nung batang sadako.
"W-wait... J-jamie?" nau-utal na tanog ni James.
"kuya, I'm hungry" sabi nung batang sadako.
"Bro, bakit may alaga kang sadako?" tanong ko.
"maka alaga 'to, kapatid ko yan G*go" sabi niya.
Ako? sinasabihan mo ng G*GO?!?!
sasabihin ko sana pero...
lumapit si James sa batang sadako.
"Jamie naman, your hair is so messy" sabi ni James sabay buhat sa bata.
"Wait...si Jamie yan?" tanong ni Erika.
"Oo." sagot ni James.
"JAMIE!!" Sigaw ni Erika sabay kuha sa bata na buhat-buhat ni James.
"Ate Ewika" tawag nung bata ng inaantok na boses.
"James, kuha ka nga ng pagkain sa baba, nagugutom na kapatid mo, hinahayaan mo lang" sabi ni Erika.
"Anong klase kang kuya?" dagdag ni Erika.
buti nga...
pwede na ba tumawa? 😂
"Yes Ma'am" sagot ni James sabay sarado ng pinto para kumuha ng pagkain sa baba.
"Akala ko sadako" sabi ko ng mahina.
nagwiggle-wiggle yung bata sa kamay ni Erika, signaling her to put Jamie down.
lumapit yung bata sa akin pagkatapos siyang i-baba ni Erika.
at hindi ko inexpect yung ginawa nung bata sa akin.
*pack*
"aray" sabi ko sabay hawak sa pisnge ko kung saan niya ako sinampal.
"First of all, I'm Jamie's sister not his pet. Second, I'm not a SADAKO" Sabi nung bata.
"Okay" sabi ko.
pero ang sakit talaga nang sinampal niya ako sa pisnge.
"talo ka pala ng bata Khybes eh" sabi ni Erika.
Khybes...
ang sarap pakinggan kung galing sa kanya yung mga salitang yun.
"Oo nga eh" sabi ko.
nagpatalo nalang ako kasi...
tinawag niya akong Khybes.
____________________________________
TO BE CONTINUED....

BINABASA MO ANG
MEMORIES
RomanceThe school year may end but, memories last forever. Everything will change but my heart will still be yours += DOES EVERYTHING HAS AN END?