Day 1
Dare.
Nagsimula ang lahat sa dare.
Napaka-tanga ko kasi sa pag-ibig kaya tinutulungan ako ng kaibigan kong si Christine Joie Odvina (A.K.A Ichin) para maka-usap ang crush kong si Jairel Mendoza.
Classmate ko si Ichin mula nung grade 7 palang kami kaya kilalang-kilala nya na ako.
Alam na nya na tanga ako sa pag-ibig kaya tinutulungan nya ako.
Dinare ako ni Ichin na ichat si Jairel ng "hi" at dapat magreply ito at dapat ay mafall sa akin si Jairel within 45 days starting today.
Sabi ni Ichin maganda naman daw ako kaya hindi daw ako mahihirapan sa dare nya.
Kailangan daw ay magawa ko yung dare dahil kung hindi daw ay papahirapan nya ako sa training namin sa volleyball bukas.
Varsity kasi ako ng volleyball team namin at si Ichin ang captain namin.
Varsity rin ng volleyball si Jairel kaya kahit papa-ano ay alam nya na may Agatha Ocampo na nage-exist sa mundo.
"I-chat mo na kasi!"-Ichin
"Akala mo ba ganun kadali yun?"-Agatha
"Oo kasi ako ginawa ko na yan eh ilang bes na."-Ichin
Oo nga pala. Ka-chat nga pala nito ang crush nyang 3rd year college na schoolmate namin nung grade 7 kami.
Silence ang nanaig sa amin for like 3 minutes habang may naka-type na 'hi?' sa chat message ko kay Jairel.
"Ako mags-send nyan."-Ichin
"Wag kasi!"-Agatha
"Bakit ba kasi?"-Ichin
"Pano pagsi-neen ako? Pano kung sugurin ako sa bahay nito?"-Agatha
Oo, malapit lang bahay namin kila Jairel kaya mas gusto kong naglalakad pauwi kahit na may driver ako na pwede akong ihatid pauwi.
"Edi mag-move on ka na sa kanya"-Ichin
"Hap to sya oh. Ganun-ganun nalang? Kaya hindi ka loyal eh. Tsk."-Agatha
"Nakaw Agatha! Asan na ba kasi sila Cae?"-Ichin
Oo nga pala. Andito nga pala kami sa café nila Ichin para hintayin si Caemila Garcia (A.K.A Cae) at Charlene Sy (A.K.A Char), kasama sa squad namin, para gumala.
Pupunta kasi kami sa mall nila Char. Oo, mall nila Char.
Tatay kasi ni Char si Henry Sy kaya pwedeng pwede kaming pumunta sa SM ng walang dalang pera basta't kasama namin si Char.
Naghihintay na sa amin sila Julian Kristian Damian (A.K.A Ian), Derek Kipp, Ronvan Amancio, at Sean Bartolome, kasama rin sa squad namin, doon sa mall nila Char.
Nang dumating na sila Char ay sinend ko na ung nakalagay sa chat message ko kay Jairel at umalis na kami papuntang SM.
Bahala na kung anong mangyari dun kung magreply sya, edi itutuloy ko na yung dare, kung seen, edi wow rin. Bahala na kung pahirapan man ako ni Ichin.
Naka-bukas lang ang 3G ko kasi anytime baka mag-reply sya.
Active now pero hindi nagr-reply. Maski seen wala. Kaya iniwan ko lang yung 3G ko.
Kaya nga pala kami nagkasama-samang squad dahil birthday ni Derek.
Nasa pinaka-dulo ako ng van nila Cae naka-upo. Naghihintay sa reply nya.
Nakarating nalang kami sa mall nila Char pero hindi pa rin sya nagre-reply.
Nagkita-kita kaming squad sa Yellow Cab. Hilig kasi naming kumain ng pizza kaya lagi Yellow Cab ang meeting place.
BINABASA MO ANG
Dares Can Make Forever
Teen FictionThis story is about a girl named Agatha, an 18 year old lady who's very messed up with her love life ever since she was 13 years old. Now, will Agatha ever experience "forever" with a guy named Jairel? Or baka naman paasa lang ito? Find out if Agath...