Day 4
"Agatha, bumangon ka na nga! May natawag sayo!"-Ate Margaux
Huh? Tatawag sa akin ng 5:30? Sino naman kaya yun?
"Sino ba yan"-Agatha
"Jairel Mendoza"-Ate Margaux
Nagising ang diwa ko ng malamang si Jairel ang natawag sa akin.
"Huh!? Teka akin na yan!"-Agatha
Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag ni Jairel.
"Hello?"-Agatha
Medyo paos pa ang boses ko at halatang bagong gising.
"Hello Agatha! Nagising ata kita."-Jairel
"Hinde ok lang."-Agatha
Habang kausap ko sya ay pahikab hikab pa ako.
"Ahh sige. Anong oras ka papasok?"-Jairel
"Mga 6:20. Ikaw?"-Agatha
"Mga 6. Sige sunduin kita ah."-Jairel
"Huh? Ah eh wag na. May driver naman ako."-Agatha
"Hinde. Sige ok lang. Kakatok nalang ako sa inyo ng mga 6:15."-Jairel
"A-ah s-sige."-Agatha
"Sige. Kita nalang tayo mamaya."-Jairel
"S-sige."-Agatha
Medyo nai-ilang ako ng sabihin nyang susunduin nya ako. Jairel., ginugulo mo isipan ko. Ughhhh!
Nagmadali ako dahil nakakahiya naman kung ako na ang makikisabay at ako pa ang mal-late.
Bigla akong tumama sa kanto ng kama ko at pinagalitan ni Ate.
"Hoy! Ano ba yan! Bakit ka ba kasi madaling madali?"-Ate Margaux
"Susunduin ako ni Jairel at 6:15 sya dadating 'te! Sabihin mo kay Mommy sa school na ko kakain. Maaga naman ako makakarating sa school eh."-Agatha
"Oh sya! Bahala ka."-Ate Margaux
"Pakisabi na rin kay kuya (driver) na may maghahatid sa akin."-Agatha
"Oo na. Ako nang bahala."-Ate Margaux
"Ok. Thank you te! Labyu!"-Agatha
"Lumayas ka na nga."-Ate Margaux
Sinara ko na ang huling butones ng uniform ko at naghintay. Saktong natapos ako ng 6:15 at dumating na si Jairel.
Napaka-strikto ko sa oras at hinding-hindi ako papayag na malate ako sa kahit anong okasyon kahit simpleng galaan pa yan.
Pagka-dating ni Jairel ay lumabas na ako at nagpaalam sa Mommy ko.
"Ma! Si ate na tanungin mo mal-late na ko!"-Agatha
Andaming tanong ni Mommy kaya ayan lumabas nalang ako.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Jairel ng kotse nya at sumakay na ko.
"Hindi pa naman tayo late ah."-Jairel
"Nakakahiya kaya ako na yung makikisabay ako pa yung late "-Agatha
"Sa bagay. Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng babaeng strikto sa oras."-Jairel
"Huh? Bakit naman?"-Agatha
"Kasi diba yung ibang babae oras ang ginugugol sa umaga para maghanda para sa araw nila pero ikaw, nagising ka ng 5:30 natapos ka 6:15."-Jairel
BINABASA MO ANG
Dares Can Make Forever
Novela JuvenilThis story is about a girl named Agatha, an 18 year old lady who's very messed up with her love life ever since she was 13 years old. Now, will Agatha ever experience "forever" with a guy named Jairel? Or baka naman paasa lang ito? Find out if Agath...