Chapter 1: Love at First Sight

180 3 0
                                    

Ako nga pala si Samuel Last. Isang masayahing tao, madaling kaibiganin, at lalo na chillax lang ang buhay. Labing-anim na taon na ako, nasa 4th year na. Ito na ang last year ko sa high school pero hindi pa rin na-iinlove. Malapit na ang pasukan, sana ngayon makahanap na ako. 

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, pasukan na! Alam naman nating lahat na kapag pasukan itatanong lahat natin sa sarili kung may transferee ba? Boy or Girl? Ang sagot ko dito sana girl. 

 Nasa gate na ako ng school namin at nakita ko ung mga friends ko na sina Nathan, Ian, at Lance. Linapitan ko sila at inakbayan ko si Nathan at Ian. "Kamusta na?" Sabi kong ganyan sa kanila. "Uy, Ikaw pala Sam" Sabing ganyan sa akin ni Ian. "Isang buong year na naman tayong manggugulo niyan sa klase, sana may transferee na babae noh?" sabi ko. "Ikaw lang ang may gustong may transferee kasi wala ka pang lovelife eh" pang-iinis na sinabi Nathan. "Hindi kaya" patanggi kong sinabi, "Tara na nga, bilisan na natin sa loob para makita natin kung may umalis o may dumagdag"

 Sa loob ng school nakita namin lahat ng aming mga classmate. Nakita ko na walang nawala. Linapitan ko lahat ng classmate ko at nagkamustahan kaming lahat sa isa't-isa. Biglang tumunog ang bell ng school para mag-flag ceremony. Naglabasan ang lahat ng mga students sa mga classroom.

Habang nakaayos kami sa quadrangle nakita ko yung transferee na babae. Hindi ko siya napansin sa classroom kaya hindi ko pa siya nakikilala pero tinamaan ata ako sa kanyang ganda. Nag-umpisa na ang flag ceremony at habang ng-flaflag ceremony tinititigan ko siya. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

Bumalik na ang kanya-kanyang mga estudyante sa kanilang classroom. Habang pabalik kami sa classroom namin, nilapitan ko si Jane at tinanong ko kung anong pangalan ng transferee. "Uy, ikaw Sam ah! Ngayon lang kita nakitang magtanong ng pangalan ng babae" sabi niya, "Si Tiffany Chua yun". "Ah, Salamat Jane", sabi ko.

Akala Ko Laging MasayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon