Chapter 3: Recess

90 0 0
                                    

Tapos na yung 2nd subject namin. Magrerecess na kami. Inimbita ko si Nathan na kumain ng Piattos. "Nathan, tara kain tayong piattos", sabi ko sa kanya. "Osige, tara", sabi Nathan. Bumili kami ng Piattos nang biglang pumasok sina Jane at Tiffany.

"Uy, Jane, friends na pala kayo ni Tiffany?", sabi ni Nathan. "Pala-kaibigan naman si Tiffany eh at saka tinutour ko siya sa school natin", sabing ganyan ni Jane. "Jane, T-Tiffany, kain tayo" sabi ko. "Ah sige salamat Sam", sabi ni Tiffany at umalis na ako ng canteen.

Kalabas namin ng canteen may sinabi kaagad sa akin si Nathan, "Bakit nauutol ang pagsasalita mo kapag sinasabi mo ang pangalan ni Tiffany?". "Huh?!", sabi kong ganyan kay Nathan, "Hindi naman ah. Pareho lang naman pagkakabigkas ko nung inimbita ko si Jane at siya eh". "Bakit hindi mo ngayon masabi pangalan niya?", tanong ni Nathan. "Hindi pa naman kami close eh", sagot ko sa kanya. "Sige na nga, tapusin na natin 'tong kinakain natin at pumasok na tayo. Malapit ng mag-oras eh", sabi ni Nathan.

Pagkatapos ng recess pumasok na kami at pare-pareho lang ang ginagawa namin hanggang matapos ang unang araw ng klase. Si Tiffany nagpapakilala sa lahat ng subject habang kaming dating magkaklase ay nagdadalan lang.

Hindi muna kami agad umuwi dahil unang araw pa lang naman at wala pa namang binibigay na mga assignment. Nagkukuwentuhan muna kami ng aking mga classmate. Pero nauna na akong umuwi sa kanila dahil kelangan kong magbalot ng aking mga notebook. At habang pauwi nakita kong pasakay na si Tiffany sa jeep at hinabol ko para makasabay ko siya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please Like and vote po and comment po kung may pangit na scene. o kelangan dagdagan. Salamat po. Suggest din po kayo ng maaaring mangyari sa susunod na chapter. Mamaya na lang po yung Chapter 4 :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala Ko Laging MasayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon