Chapter 2: Speechless

95 0 0
                                    

Nakabalik na kami sa classroom namin at kasama na rin namin ang aming adviser na si Mr. Umberto Reyes. Pinaupo kami ni Mr. Reyes. Katabi ko sina Nathan at Lance. Habang nagsasalita si sir, nakatitig lang ako dun sa transferee na si Tiffany Chua . Ewan ko ba kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Ito ba yung tinatawag nilang "Love at First Sight"? Pinatayo ni sir si Tiffany at nagpakilala ito sa harap ng buong klase. Tahimik akong nakinig sa kanyang mga sinabi at kung ano ang mga gusto niya. 

"Hoy!" sabi ni Lance, "Titig na titig ka sa kanya tol ah?". "Ako? Konti lang naman", pabirong sagot ko. "Tinamaan ka ata?", tanong ni Nathan. "H-hindi" sagot ko, "Bakit ako tatamaan? Ngayon ko palang siya nakilala eh". Bumalik na si Tiffany sa kanyang upuan habang iniinis naman ako ng dalawa kong katabi.

Lumabas na kami ng klase ni Mr. Reyes at patuloy pa rin ang pang-iinis nina Nathan at Lance sa akin. Lumayo ako sa kanila at hindi ko napansing katabi ko na si Tiffany. Kinabahan ako pero linakasan ko ang loob ko. "Hi, Samuel pala, tawagin mo na lang akong Sam for short", kabadong sinabi, "Hello, Tiffany Chua". "Sige, Balik na ako sa mga kaibigan ko tinatawag na nila ako eh", palusot kong sinabi.

Nakapasok na kami sa susunod naming klase. Nakaupo na lahat nang aking mga kaklase at ako na lang ang hindi. Isa na lang ang bakante upuan at doon pa sa tabi ni Tiffany. Umupo na lang ako ng tahimik at wala ng sinabi hanggang dumating ang recess.

 

Akala Ko Laging MasayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon