CHAPTER 2
Ang tatlong kulangot.
NAGISING AKO dahil sa kaingayan ng mga kuya ko.
"Pfft.Oo nga eh!Tangina nun akala niya magiging seryoso sa kanya si Eliana eh playgirl din yung babaeng yun."Sabi ni Kuya Elton sabay kain ng pandesal na may peanut butter.
Eww.Nalaglag pa yung peanut butter.
"Alam mo na hindi pa kasi nakakahanap ng katapat yang si Eliana kaya hindi pa natututo eh."Sabi ni Kuya Elison.
"Tsk.Hindi marunong makuntento sa isa!"Bulong ni Kuya Ethan.
"Hoy mga kulangot anong pinaguusapan niyo dyan?Pinaguusapan niyo na naman si Eliana?Crush niyo ata yun ehh!"Asar ko sa kanila.
"Bakit hindi?Maganda naman yun ahh!"Sabi ni Kuya Elton na nakaka pitong pandesal na.
Kilala kasi si Eliana sa school nila since college na sila.Si Eliana yung pinakaplay girl dun.Lahat yata pati janitor pinatulan nun eh.Maganda naman si Eliana.Mahaba ang medyo light brown na buhok,maputi ang kutis na daily atang dinderma,Bilugan yung mata,Laging naka eyebrows at lipstick na matte pink at higit sa lahat seksi.
"YUCK KUYA!Anong maganda dun sa babaeng yun puro make up yung mukha!"Sigaw ni Kambing.
"Yiee si Kambing crush si Eliana!"Asar ko kay Kuya Ethan.
Nagtawanan naman yung dalawang laog.
"ANO?!Eww lang huh?Di ko siya type.Atsaka sinong kambing?"Aniya.
"Bakla ka ba tol?Kahit sinong lalaki type yun si Eliana,seksi eh!Ganda pa!"Sabi ni Kuya Elison.
"Lahat maliban sakin!Tsaka anong bakla pakita ko pa abs ko sayo ano?Kala neto!"Sabi ni Kambing.
"Nga naman Kuya baka si Joselyn type netong si Kambing.Yung mga laging nasa library dun na din yata natutulog yun."Sabi ko.
Si Joselyn yung nerd type sa school nila madalas kong maring yung pangalan niya dahil lagi siyang ipinangaasar kay Kambing.
Bigla namang namula si Kambing.
"NICE!Nadali mo Elie.Yiee si Kambing!"Asar ni Kuya Elton.
"AHAHAHA!"Tawa naming tatlo.
"ANO BA?HUWAG NIYO NANG IDAMAY SI JOSELYN DITO!TSAKA TIGILAN NIYO AKO SA KAKA-KAMBING NIYO AH!HINDI NA NAKAKATUWA!"Beastmode na siya bibeh!
"Pwes itigil mo na yung mga hugot mo!"Sabi ni Kuya Elton.
"BABOY KA!Antaba mo na!"Sabi ni Kambing kay Kuya Elton.
"HOY!HINDI AKO MATABA AH!Pakita ko pa sayo abs ko."Gaya ni Baboy sa boses ni Kambing.
"Sige nga!Patingin."Palaban na sabi niya.
"HUH!"Sabay taas ng damit at...
Wala kaming nakitang abs puro taba tho hindi naman talaga siya mataba wala lang talagang abs kasi andaming kumain.
"Kain kasi nang kain yan tuloy!"Asar ni Kuya Elison.
"Si Bakla nang asar naman!"Sabi ko kay Kuya Elison para may mga codename na naman silang bago
Si Bakla,si Baboy,at si Kambing.
NICE!"PFFT.BWAHAHAHAHA!"Tawa lang ako ng tawa sa kanila.
Grabe ang havey ng umagang 'to ha!
"Si Sawi tumatawa!Bakit naka-move on kana kaagad?Ambilis ahh!"Sabi ni Bakla.
"AHAHA...ha....ha."
Napatigil ako sa pagtawa kasi sumakit na naman yung puso ko naalala ko na naman kasi siya.
BINABASA MO ANG
And Then He Left
General FictionWhy did you have to leave me? When you said that love will conquer all. When you said that dreamin' was as good as staying with me.