Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter  3

Ang pogi niya shet!

NAGISING NA naman ako dahil sa kaingayan ng nga kuya ko.Napapansin kong inaraw-araw na nila pagiging alarm clock ko.

Sabagay ayos narin yun para maaga akong nagigising para pumasok.Maaga kasi si Kuya Elison at Kuya Ethan sa trabaho tapos sa sala natutulog si Kuya Elton kaya napapaaga parin kasi dun sa parang pwet na manok na boses nila Kambing at Baboy.

Nagaayos na ako para pumasok tsaka bumaba sa sala.

"AKIN NA KASI YAN EH!NAKAINOM KANA NG KAPE EHH!"Sigaw ni Kuya Ethan.

"PAINOM NGA LANG EHH!KADAMUTAN MO!"Pangasar ni Kuya Elison.

"TATAY SI BAKLA OH!YUNG KAPE KO!"Ngumuso siya na parang batang  inagawan ng lollipop.

"BAKA AKO!PARA NGANG IKAW YUNG BAKLA EHH!"Asar niya.

Nakita kong naghahabulan sila Kuya Elsison at Kuya Ethan tapos si Tatay nakaupo lang sa kabisera ng upuan nagbabasa ng dyaryo habang nainom ng kape.Bihis na pala yung dala kaya nakakapagharutan na!Si Kuya Elton naman nasa sofa nakanganga at nahilik pa si gago.

"Ang ingay!"Iritado kong sabi tsaka umupo sa upuan ko.

Natahimik naman sila kuya ko.Hahaha may kasalanan pa pala tong mga 'to sakin.

"Oyy Elison kung gusto mong humigop ng kape magtimpla ka ng bago nakaubos ka na nga ng isang baso at yung akin na inuman mo na pati ba naman yung kay Ethan iinuman mo pa?Aba ikaw na!Coffeelord!"Saway ni Tatay.

Natawa naman ako sa 'COFFEELORD' niya.
Ahahaha!

"Sorry na Tay sarap mong magtimpla eh!"Sabay kamot ng batok.

Ampogi ng mokong!Aba kahit andaming kabaklaan niyan pogi yan.Mana kay Tatay mukhang Kastila.Lahat sila actually pogi lalo na si Kuya Elton bet ko yung ganoong mga tisoy tapos si Kuya Ethan kahit medyo maliit pogi padin.

Ako naman syempre maganda din ( alam niyo na ) nagpablonde ako nang buhok nung bakasyon kahit ang totoong kulay noon ay brown.Tapos may konting foreign features daw ako baka nakuha ko kay Tatay na may malalim na mata at medyo mestiza.Nagsasayaw din kami ng mga kuya ko galing nga nila kasali sa Dance Troupe nang school nila tapos ako sa Indayog Dance Club ng school.

Enough of the stories.

"Asus nambola si bakla."Bulong ko.

"Ha?Ano yun?"Sabi ni Tatay.

"Wala Tay ang cute niyo kako!"Sabi ko.

"Tay alis na po ako.Elie sabay ka?"Tanong ni Kuya Ethan.

"Yep teka lang!"Sabi ko sabay ubos sa kape at pandesal ko.

"Ako pwedeng sumabay?"Tanong ni Kuya Elison.

"Wag na anlaki mo hindi na tayo kasya sa motor!"Angal ni Kuya Ethan.

"Sige na!"Ngumuso siya.

Pinangunutan ako ng noo ni Kuya Ethan nginisian ko nalang siya at tinanguan.

Lintek lang ang walang ganti!

"Teka kukunin ko lang bag ko."Sabay punta sa kwarto niya.

"Oo nga mamasahe ka nalang!"Sabi ko sabay takbo namin papunta sa motor.

"BYE BAKLA!"Sigaw namin.

"PUTANG INA NIYO!"Sigaw niya.

"OY ELISON BAKIT MO MIINUNURA YNG NGA KAPATID MO!"Sabay pingot ni Tatay sa tenga ni Bakla.

"AHAHAHA!"Tawa namin ni Kuya Ethan.
----
Bumaba na ako nang motor dahil nakarating na kami sa gate ng school.

Pinagtitinginan nga kami nang mga malalande.

"Shocks si Ethan!"Sabi nung isa na patalon-talon pa.

"Ampogi parin niya!Nakakamiss na silang tatlo!"Sabi nung mga kabatch ko na naabutan silang tatlo.Magkakasunod lang kasi kami ng level.

Malufet si Tatay ehh.

"Oh sige na pumasok ka na.Male-late na ako.Istorbo ka nagpahatid ka pa!"Sabi niya.

Binatukan ko siya.

"Aba ikaw kaya ang nagyayaya sakin!Kambing nato."Sabi ko habang nakapamewang.

"Aish!Pasok na!"Sabi niya.

Lumakad na ako papasok nang school.

"Oyy Sawi babye ha?Ingat ka!"Sigaw niya.

Tanginang 'yun.Sawi?Okay na naman nabigla lang siguro ako kahapon kaya ganun.

Itinaas ko nalang sa ere yung kamay at iwinagayway.

Pumasok na ako sa school.

I'm currently a Grade-10 student tapos si Kambing Grade 11 dun sa kabila.Yung dalawa pang kulangot hindi naabutan ng K-12 Curriculum kaya nasa college na 1st Year si Kuya Elton tapos 2nd Year si Bakla.

Medyo okay na ako at nakakarecover na sa breakup namin ni Kyle.Tho medyo masakit padin.

Pero hindi ako dapat magpapaapekto sa kanya.May mga tao at bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin.

Tsaka kung mahal niya ako babalikan niya ako--ay no I mean---Kung mahal ka hindi ka iiwan.

Nasa tapat na ako ng pintuan nakita ko si Maxine nagsusulat ng homework.

Kinuha ko sa bag yung chocolate dala ni Tatay.Kumuha ako ng tatlo para 'Maxine I'm Sorry'

Pumunta ako sa tapat niya at inilahad ang chocolates.

"Maxine I'm sorry."Sincere na sabi ko.

Tumingala siya sa akin at tumayo.Niyakap ko siya.

"Sorry Maxine nabigla lang talaga ako nun.Masakit yung puso ko at magulo isip kokaya nasabi ko yun.Patawarin mo talaga ako Max.Sorrna Bes!"Sabi ko tapos hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya

Yumakap naman siya pabalik kaya napangiti ako.

"Naiintindihan ko Elie nukaba!Ikaw pa ba hindi ko patatawarin?Malakas ka sakin ehh!"Sabi niya sabay tawa.

Nagring na yung bell kaya umupo na kami sa upuan.Magkatabi kami sa upuan kasi gusto namin.Siga!

Itatanong ko sana kay Max kung sino yung teacher na nagcu-cuss nung isang araw.Kaso putangina may dumating.

"Good Morning class."Bati ng isan napakamanly na boses.

Napatulala ako nung makita ko siya.
Mukha siyang foreigner.Blonde din yung buhok niya tulad nang akin pero mas mukhang natural iyong kanya.Ang kulay dagat na mata niyang siguradong matutunaw ka kapag tinitigan ka tapos yung labi niyang pouted shocks mukhang masarap humalik tsaka yung strong jaw niya.

PUTANGINA ANG GWAPO NIYA SHET!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And Then He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon