Andy's POV
Naawa ako sa babaeng natapunan ko ng frap kanina. Eh ang tanga ko naman kasi! Galit na galit siguro yon! Hindi man lang ako nakapag-apologize nang mabuti. Basta-basta ko nalang siya iniwan.
Habang naglalakad ako papunta sa 2nd building, nakita ko siyang pumasok ng ladies room.
Napangiti ako,
Ewan! Ang corny.
Pero ngumiti talaga ako, tumatawa na ata.
Kahit kasi nadumihan ko ang kanyang damit ay nakasmile pa rin ito sa mga nakakasalubong niya. Maganda pala siya.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng CR.
Kaya naisipan kong maghintay sa labas,
"Excuse me? Bakit ka nandiyan?! Mamboboso ka no???"
Nagulat ako sa tanong ng isang babae na siguro nasa 3rd or 4th year na. Kasama nito ang mga kaibigan niya na nakatingin nang masama sa akin.
I crooked a smile at nag-walk out.
Badtrip! Ano ba yun! Napagkamalan ako tuloy na mamboboso!
Naglakad ako papalayo sa lugar na yon, marami pa naman sigurong chance na makausap ko siya.
"Pare!"
Naplingon ako.
"Oo ikaw!"
Lumapit siya sa akin.
"Bakit?"
Ang seryoso nang kanyang tingin.
"Ikaw yun diba?!"
Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pinagsasabi ng gag*ng ito.
"Ikaw yun nakabangga kay Natalie Parker diba?!"
Boyfriend siguro to nang babae.
"Oo ako nga yun."
Sinagot ko siya nang mahinahon.
"Sa susunod, mag-ingat ka! Mahalaga ang babaeng yun sa akin!"
Tinapik niya ako sa braso.
"Sino ka ba?!"
Nagbago ang expression ng mukha niya. Baliw na.
"Bestfriend..."
Eh g*go pala talaga to eh! Hindi naman pala syota!
"Pasensya ka na, hindi ko kasi gustong masaktan siya."
"Pasensya na din"
Tumalikod siya at umalis.
After ng class ay hinanap ko ulit ang Natalie na yun, good thing nakita ko siya agad.
May kasama siyang babae.
"Nat! Natalie! NATALIE PARKER!"
Tumingin silang pareho sa akin.
"Yes? How'd you know my name?"
Di niya ata ako naalala.
"Ano ba?!"
"uhhhm.. Sorry nga pala sa damit mo kanina."
Yun nalang ang nasabi ko.
"Oh, ok."
"ay eto pala oh, frap. Sorry talaga kanina."
oo, binilhan ko siya nang frap. Peace offering na din.
Parang hindi pa rin siya satisfied sa mga sinasabi ko.
"Yung name mo pala, tinanong ko sa kakilala ko. Hindi ako stalker o ano."
Mukhang napangiti naman silang dalawa ng kanyang kaibigan.
"Ako pala si Andy." Sabay offer ng kamay ko.
"I'm Nat, and she's my bff Stacey"
Bestfriend? Diba sabi nang lalaki kanina siya yung best friend niya?
"Akala ko ba best friend mo si---"
*kring kring*
Napatugil ako sa pagsasalita.
"Sige, alis na kami! See you!"
Umalis sila agad.
Teka, see you?
So magkikita pa pala kami?
Natural iisang school lang naman kami.
ang bobo ko talaga minsan.
--------------------------------------------------------
Sorry talaga if hindi ito perfect. Promise i'll improve kung ano man ang mga mistakes ko dito. So please comment and tell me my flawwwwssss :) *puppy eyes*
BINABASA MO ANG
Can i say "us"?
Teen FictionSa lahat ng complications ng best friend life niyo, gusto mo pa rin bang marinig sa kanya ang salitang "tayo"?