Closet

17 1 0
                                        

Closet

Hindi ko pa din makakalimutan ang mga araw noong bata pa ako. Naalala ko pa din ang mga araw na palati akong bumibisita sa bayan ng aking Lola Eneng. Naalala ko pa din ang tamis ng hangin at ang magagandang tanawin dito lang sa loob ng kanilang bayan.

Dito sa barangay Masaseño, kilala ako dun. Alaga ako ni lola at kung kahit ano man lang ang gusto kong ihingi, palagi niya yan akong bibigyan agad-agad.


Oo, masaya ako nun. Syempre, dapat ang palangiti na bata ay palaging masaya. Pero..

Bumago ang lahat nun, dahil lang sa mga pangyayari sa labas ng closet.

Nagsimula nun nung pagdadating ko palang sa bahay ni lola. Ako lang yun mag-isang naki-bakasyon kanila lola, busy yun kasi sila mama at papa, eh.
Wala naman ako nun mga kapatid, kaibigan o classmate na pwede mai-pasama.

Pero, bahala na, it's been 7 years since I last seen this house and the memories we had made.

Pagpasok ko palang sa bahay nila lola, dumeretso agad ako sa kuwatro ko.
Binuksan ko agad ang ilaw dahil sa dilim. Napansin ko parang maraming nagbago.

Parang matagal na 'tong hindi lininis, puro alikabo ang nakikita ko at grabe ang dumi.

Napansin ko din ang mga kurtina, naalala ko yan na noong una pa yan inilagay ni lola, siguro may edad akong 5 o 6 nun.

Haayst, baka ganito talaga ang buhay matanda, noh? Natatamad na lang.

"Haidee, halika dito, apo!"
Oh, ayan na tinawag na ako ni lola.

Pero bago ako umalis, Teka, eh bakit may closet? Hindi naman yan nandito noon, ah? Tsk.
Bahala na nga lang, baka nakikipaglaro lang ako sa isip ko. I mean, baka inilagay lang yan ni lola para lang sa akin, diba? Tsk.

"Ay! Mabuti na lang andito ka na. Ba't di ka nagsabi, baka mo akong mabigyan tuloy ng heart attack dahil sa kaba!"
Hay naku, lola, nagbibiro ka nanaman :3

"Oh, kumusta na sila mama at papa mo? Ikaw ano na? May boypren ka na ba, alams na yan.. Ohoho!"

"Ay, naku lola! Sus, mukhang ito, mahirap 'tong kunin, kaya para sa akin 'wag na muna, reserve na 'to, baka pa may makahanap pa ako na masgwapo

"Ohoho! Ikaw talaga, pareho ka lang sa tatay mo. Ay naku, ayan na yung araw, lumubog nanaman. Cge, diyan ka na muna sa sala, luluto na muna si lola, ha?"

"Cge po, la" sabi ko.
Inantay ko siyang umalis habang pumasok siya sa isang hallway na masikip at madilim. Biglang tumahimik ang lahat. Umupo ako habang patuloy dumidilim ang paligid.

Nakaka-inis talaga ang mga ganitong pakiramdam na iniwan ka sa sala na may isang ilaw lang sa taas, madilim ang paligid at ang ramdam ng pagtataas ng inyong buhok.

Mga ilang minuto, parang hindi ko na talaga 'tong kaya. Parang kasi may tumitingin sa akin. Ganito ba talaga ang pagnonood ng horror movies?

Argh! Ayoko na, doon na nga lang ako sa silid, buti pa dun may kama o medyo presko.

Napatayo agad ako at binilisan ko ang paglakad papunta sa kuwarto. Inayos ko nalang ang mga gamit habang may oras pa.

"Lights on, check! Ang paglilinis ng kama, check! Mga damit sa bag.. Mmm, ilalagay ko nalang sa closet. Baka yan yung rason na kung bakit nandito"

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon