Chapter 1

24 0 0
                                    

Author's POV

"Tulong!!!" sigaw ng isang babae na kilala bilang Elizabeth.

Humihingi siya ng tulong dahil hinahabol siya ng tatlong lalaki na hindi niya kilala. Ang hula niya ay wala silang nagagawang maganda.

"Tulong!!!" pag-uulit niya. Napapagod na siya pero hindi siya tumitigil kahit medyo malayo na ang mga lalaki at dahil doon hindi na niya naiwasang tumulo ang mainit na likido galing sa kanyang singkit na mga mata patungo sa malambot niyang pisngi ngunit pinahid niya ito agad at nagkaroon siya ng lakas ng loob.

Hindi ako titigil. Sa isip isip niya.

Bumilis ang pagtakbo niya at nakakita ng lilikuan na naisip niya na baka sakaling maligaw ang mga ito. Hindi sinasadya na matapilok siya at tuluyang nadapa pero hindi siya naapektuhan. Bumangon agad siya at nagsimula muling tumakbo, nang halos abot kamay na niya ang isang eskinita ay bigla na lamang siyang natumba sa malamig na semento. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya.

Madilim na nga at wala nang tao sa lugar na iyon. Naisip niya na ito na ang katapusan niya.

Muli niyang sinambit ang katagang...

"Pakiusap tulungan niyo ako," ani niya. Hindi niya alam na may taong natutulog sa eskinitang iyon.

"Ang ingay mo miss," reklamo ng lalaki. "Nasaan ba sila at--" hindi na natuloy ang sasahin nito. Bigla na lang kasing dumating ang mga tatlong lalaki at kukunin sana nila ang dalaga ngunit natugunan agad ito ng lalaki.

Mga payatot kasi ang mga ito kaya ang resulta taob lahat. Base sa itsura nila ngangailangan na sila ng pagkain. Bahagyang napangiti ang lalaki dahil muntik na niyang nakalimutan ang dalaga.

Samantala, nanunuod lamang ang dalaga nang may tumulong likido sa noo niya. Alam niyang hindi na ito luha dahil galing sa ulo niya.

Pulang likido, dugo ang nakita niya sa mga kamay na humawak sa kanyang ulo, napansin agad ito ng binata pagkatapos ang pagkapanalo niya sa laban sa tatlong payatot...

"Elizabeth, is that you? Oh! Jesus Christ," napagtanto ng binata ay ang kanyang kababata ang kanyang iniligtas.

"Elizabeth, what happened?" Tanong ng binata. Bakas sa mukha ng binata ang takot at pag-aalala.

Tahimik na nag-isip ng dahilan ang dalaga, siguro ay dahil sa nadapa ako kaya nangyari ito. Sa isip isip ng dalaga.

Ilang minuto na ang nakalilipas ay natauhan siya. Iniisip niya na ilusyon lang ang lahat.

Hindi maaari ito. Halos pabulong ng dalaga.

"No, don't cry. Please!" pakiusap ng binata sa dalaga.

Sa lahat ng pangyayaring nangyari ngayon araw sa dalaga doon niya lang naramdaman ang pagod kaya unti-unti nang bumabagsak ang kanyang katawan dahil kanina ay pawang nakaupo pa lamang ito. Nasalo ng binata ang dalaga at sinabi ang mga salita na nagpaintig ng damdamin ng dalaga bago siya mawalan ng malay...

"I'm sorry. Please, always take care of yourself, Elizabeth. I'm always here by your side. Promise!" walang nasabi ang dalaga sa pangakong iniwan ng binata hanggang sa tuluyan ng nawalan ito ng malay.

******************************

One week later...

Elizabeth's POV

Nagising ako sa puting kwarto na sa pagkakaalam ko ay nasa isang kwarto ako ng ospital. Pero bakit? Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko at sinubukang umupo. May benda ito, pero bakit?

"Eliza, are you okay now?" naalipungatan ang aking ina. Pag-aalala lamang ang makikita sa mga mata niya.

"Mom, what is the date today?" nagtataka naman si mommy sa tanong ko. Pero sinagot niya parin ito.

Time PassedWhere stories live. Discover now