Elizabeth's POV
"Please, wake up Jake! Wake up! Hindi ako nagbibiro. Tuturuan pa kitang magsalita ng tagalog diba. Wake up!" nagwala na ako sa loob....
Hindi ko alam pero hindi nila ako inaawat. Naiintindihan nila ako. sobrang hinagpis ang nararamdaman ko. Napawi ang lahat ng sayang aking nararamdaman. Masakit sobrang sakit.
Naaalala ko bigla ang nangyari noong nakaraang linggo. Siya talaga ang nakita ko pero paanong nangyari yun.
"Bibigyan ko pa kayo ng limang minuto bago namin ideretso sa morgue ang katawan niya," pagkatapos sabihin ng doktor ang mga impormasyon yun iniwan na rin ako ng mga kasama ko.
"Ikaw muna ang bahala. Lalabas lang kami pero babalik kami agad," my mom said with a fearful face.
Tango lang ang naisagot ko.
"I'm sorry. Please, always take care of yourself, Elizabeth. I'm always here by your side. Promise!"
Naalala ko ang sinabi niya at nagsalita na sana marinig niya...
"Jake, anong nangyari sa pangako mo? Ikaw ang nakita ko noon tama ba ako? Ikaw yun diba? Iniwan mo ako, sinira mo ang pangako mo. Diba sabi mo noon hindi tayo magkakahiwalay. Sinabi mo eh pero lahat ng yun nawala dahil sakin. Tama nga ako kasalanan ko ang lahat ng ito. Pero nangako ka," para akong isang tanga na kumakausap ng patay na.
Tatlong minuto na pero wala parin sila. May dalawa pa akong minuto para sabihin sayo ang tunay kong nararamdaman.
"Jake, natatandaan mo nang mga bata pa tayo...
Flashback...
"Elizabeth, here," nagtaka ako kung bakit binigyan ako ni Jake ng bulaklak.
"I love you," nabigla ako sa sunod na sinabi niya at nahulog ko ang hawak kung mga bulaklak. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. May karera sa loob ng puso ko.
Nabigla rin si Jake sa inasal ko.
"Elizabeth, ah! I love you as a sister. Get it? Don't get me wrong," natataranta siya. "Elizabeth, hey!"
"Sorry, may sakit ata ako sa puso. Yung dibdib ko," sobrang bilis kasi ng tibok nito.
"What? Let's go home. I'll call the doctor to check you," pag-aalala niya.
End of flashback...
Napangiti ako ng konti ng kinuwento ko yun pero wala rin namang nakikinig sakin.
"Siguro dahilan ko yun para hindi mo mahalata na may gusto na ako sayo. Pero nung time na yun hindi rin ako sigurado kaya minabuti ko na lang na kalimutan. Mga bata pa tayo nun..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nandito na si mommy.
"Kailangan mo nang magpahinga, darling. Nandito na rin ang kukuha kay Jake," at nasa likod na ni mommy ang mga ito.
Pinagulong ko na ang wheel chair ko na kung saan ay kanina pa akong nakaupo doon. Tinulungan ako ni mommy.
"Mom, Jake was gone," hindi ko na naisip ang nasabi ko but sinagot parin ako ni monmy kahit hindi naman ito patanong.
"No, he always here," at tinuro niya ang puso ko. Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi niya. Tama si mom he's always here, inside my heart.
Malapit na kami sa kwarto ko habang ang lungkot lungkot ko parin.
Narinig ko na ang ingay doon. Nagtanong naman ako kay mommy pero ngiti lang ang sagot niya.
Kumatok si mom at may nagbukas samin. Si Mrs. Evergreen.
"Tita, ano pong ginagawa niyo diyan. Si Jake po dinala na siya sa..."
YOU ARE READING
Time Passed
Short StoryMagkapatid ang turingan nila. Hanggang sa humantong na iniibig na ni Elizabeth si Jake. Abangan at tunghayan ang mga pangyayari sa estoryang ito. Copyright © 2016 By: eekiam