Chapter 2

19 0 0
                                    


Sandrane POV

Apat na oras pagkatapos ng mahabang byahe ay finally nadidto narin kami. Pagkalabas ko mula sa sasakyan ay sinalubong agad kami ng nagkukumpulang mga tao.

"Yan ba ang bagong lipat dyan sa malaking bahay?"

"Ay oo, bigatin no?"

"Ang ganda naman nya!"

"Oo, pati yung kasama nya!"

"Grabe! ang yaman nila!"

Yan ang iilang naririnig ko mula sa mga tao.
Hay, di talaga nila ako kilala?

"Manang Edel , hindi nyo po ba ako kilala?" tanong ko kay manang Edel.
Bahagya naman sayang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Hala! kilala mo ako?" tanong nya at natigilan naman silang lahat dahil sa pag-uusap namin.
"Opo naman! grabe nakalimutan nyo na po ako mga kabaranggay?" sabi ko ng palakas para marinig nilang lahat.
"Huh? sino daw sya?" tanong ng isa sa mga kapit bahay namin noon.

"Ako po si Sandrane Steffan Mendoza ang nag-iisang palengkera nananggaling sa barang 73-A!" sabi ko with matching pamewang na parang sasali sa Ms. Universe.

"Wahhhh!!! si Day-day!" rinig kong sigaw ng isa sa kanila.

"Huh? si Day-day? patingin nga? with matching hawak-hawak sa pisngi at paikot-ikot sa akin.

"Wahhhh! Si Day-day nga!" sigaw ni manang Edel sa akin sabay yakap ng mahigpit.

"Opo ako nga po!" sabay yakap din kay manang Edel.

Hindi ko namalayan na nakayakap nadin pala ang buong kabaranggay sa akin, kaya sobra talaga akong natuwa.

Oo, dito ako galing, dito kami lumaki. Binilin ako nila mama at papa dito noong may nangyaring gulo sa kompanyang pinapatakbo ni mama. Kasi kung hindi kami ilalayo doon ay madadamay kami. Kaya napagdesisyunan ni mama na ilipat kami ng bahay, yung malayong-malayo kaya dito kami napadpad. Akala ko nga sila mama at papa ang magbabantay sa amin pero hindi pala. Kasi kailangan nilang bumalik para asikasuhin ang nangyaring gulo.
Ibinilin nila kami sa kakilala ni mama na si manang Edel. Oo, sya ang nag-alaga sa akin mula anim na taong gulang hanggang sa maging labing-isa ako.
Hindi naman kami masyadong naghirap kasi pinapadalhan naman kami ni mama at papa ng pera. Pero syempre kailangan din namin sumideline para may pandagdag na pera, kaya kami nagtitinda ng isda sa palengke. Binansagan akong prinsesa ng palengke dahil mabait daw ako at napakamasayahin. Paborito nila ako kasi ginaganahan daw silang bumili dahil kumakanta ako. Oo, kumakanta ako para makabenta kami.

Pagdating ko ng 12 years old kinuha ako nila mama at papa. Pinagpatuloy nila akong pag-aralin, nagtransffer ako doon sa Maynila. Pero pagkatapos ng apat na buwan ay nagtransffer ulit ako sa davao kasi nalaman nila papa na binu-bully ako ng classmates ko. Kaya noong nagtransffer na ako sa Davao, pinag-aral nila ako ng taekwando para may self defense daw ako at 'di na ako mabully.
Wala akong ibang ginawa kundi aral at taekwando lang kaya naisipan ko na sumali sa sports. Nalaman ng teacher ko noon na marunong pala akong kumanta kaya pinasali nila ako sa music class. Natutu din akong maggitara, magdrums, magpiano, at magflute.
Hindi ko rin pinabayaan ang aking pag-aaral kaya palagi akong top 1.
Mahiyain ako noon dahil akala ko ibu-bully nila ako pero hindi naman pala. Nasanayan ko ng maging mahiyain kaya mas dumami pa ang nagkagusto sa akin.
Hindi literal na nagkagusto.

What I mean is, maraming nag kagustong mga teachers at mga kaibigan.

Anyways, pagkatapos ng dramahan session namin ay pumasok na ako sa bahay namin. Syempre nandito si manang Edel para ipaghanda kami ng pagkain para hapunan. Tumanggi nga ako kasi nakakahiya pero sabi nya 'I insist' daw kaya pinabayaan ko nalang.

My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon