22. "Still hoping"

296 7 0
                                    


After so many years had passed nag e-english na ko hahaha okay jk lang.

After so many years had passed you're still hoping na may future ang word na 'us'.

Para sa mga taong matagal ng umaasa:

Sa tagal naman siguro ng panahon, siguro naman alam niya na ang pageexist mo? Kahit simpleng daan daan mo sa harap niya, siguro naman napapansin niya. And if not? Napalaki niyang manhid.

Akala ko pag hinayaan ko lang to kusa tong mawawala. I always advice na 'pabayaan mo lang mawawala rin yan'. Bakit ako pinabayaan ko lang naman pero eto ako umaasa pa rin.

Sa tagal na ata ng panahon wala pa rin atang nagbabago kahit itong nararamdaman ko, mas lalo lang atang lumala.

Lahat na ginawa mo pero wala pa rin. Ang sakit diba? Siya, chill lang pero ikaw minsan mapapasagi siya sa isip mo at mararamdaman mo na lang yung lungkot. Sobrang sakit umasa lalo na kung sobrang tagal na ng nararamdaman mo. Mararamdaman mo na lang isang araw tanggap mo ng wala talagang kayo pero kahit konti umaasa ka.

Minsan naiisip ko bakit kaya hanggang ngayon umaasa pa rin ako? Siguro dahil ng hihinayang akong tapusin na lang, siguro ng hihinayang ako sa haba ng panahon na umaasa ako haha. Kase diba malay mo pag tumigil ako, pag nawala tong nararamdaman ko tapos siya pala unti-unti ng nadedevelop yung feelings niya. Sayang diba? Pero hindi rin kase sana noon pa kung meron pala.

Mahirap umasa lalo na kung alam mo naman ng wala kang pag-asa. Pero mas mahirap umasa kung wala kang ideya.Lahat ng tao umaasa at mayroon na nabibigo. Pero sobrang hirap ng kalagayan natin kase hindi natin alam kung may pagasa ba talaga o wala. Kaya nga hanggang ngayon umaasa pa rin tayo kase wala tayong ideya minsan maiisip natin na wala naman talaga pero maiisip din natin na malay mo diba meron.

Sabihin man ng iba na tanga tayo,hayaan mo na sila, wala silang alam. 'Tanga ako, tanga ka pero wag kang magalala mas tanga siya.' Ang tanga niya kase sa sobrang habang panahon na nandyan ka lang at umaasa sakanya hindi ka man lang niya binigyan pansin. Nagbulag bulagan siya kahit may ginto na sa harap niya. Wag kang mag alala makakahanap ka rin ng taong maasahan mong mahahalin ka habang buhay.

Ailee

-----

Hello, tutuloy ko to c: Kamusta?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Problems (GIRLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon