21. Nalaman niya na crush mo siya.

872 12 3
                                    

Nalaman niya na meron kang pagtingin sakanya. OMG haha okeii i know, i know late toh kase sa mga naisulat ko, ngayon ko lang naisipang ilagay toh dito kumbaga ba late haha. So eto na sisimulan ko naa.

Para sakin 50 persyento talaga ayaw kong malaman ng isang tao na may crush ako sakanya.

Unang una, dahil may mga taong naakward/nahihiya pag nalaman nila.

Pangalawa, kailangan mo ng maging AWARE. Aware sa sarili mo na baka may kulangot sa mukha o something na mali pag andiyan na siya kase kilala ka na niya, na may crush ka sakanya, syempre nasa isip mo baka isipin nun "ay yan ba yung nagkakacrush sakin ganto ganyan blah blah". Hindi katulad nung hindi niya alam wala lang siyang pake. Pag may crush ka at alam niya swear may 5-10 persyento na may pake yun sayo ;) oh wag aasa ah. hahahaha

Pangatlo, Mas lalo ka ng mahihiya. Syempre pag may kahiya hiyang nangyare at andiyan si crush konti lang hiyang nararamdaman mo kase hindi niya naman alam eh iisipin lang nun random girls ka lang na may kahihiyan. Pero pag alam niya at may kahihiyan ramdam mong pahiyang pahiya ka feeling mo iisipin niya na "Hahahaha yun yung nagkakacrush sakin nadapa haha blah blah." o di kaya iisipin mo "wala na talagang pag-asa".

Hahahaha hindi naman lahat ng lalaki ganun pero sinasabi ko yung mga naiisip naten o ako lang talaga lol.

Pang-apat, May mga abusado, feelingero, assumingero in short "Potassium". Yung pag nalaman nilang nagkakacrush ka sakanila feeling nila patay na patay ka na skanila(patayin kita eh makita mo.jk), gwapong gwapo na sila sa sarili nila(tinatangay na ko ng hangin shet), hingi doon, hingi dito kase alam nilang di mo sila kayang tanggihan(Bwiset hiyang hiya ako sa kapal ng mukha mo.)

And ang last Pang lima, iisipin/ijujudge ka ng ibang tao na walang hiya kang babae ka, masyado mong pinanlalandakan na may crush ka, hindi ka magpaka dalagang pilipina na kailangan lalaki ang magtatapat. Susmaryosep mas malala pa iisipin nila magaasawa/mabubuntis yan agad litsi ano kayo si madam auring alam ninyo na future? Bakit ni minsan ba hindi niyo naranasan magka crush noon? Buntis agad wala ngang pag asa hahahahaha. Magsasabi lang naman ng nararamdaman, hindi manliligaw duh alam parin naman namin na gawain ng boys na manligaw diba girlss. Pero kung may babaeng nanliligaw sa boys, Saludo ako sayo tunay kang dapat mahalin at alagaan. Hindi naman kasalan pag ang babae ang nanligaw sadyang madami lang sa mundo ang mapanghusga. And minsan hindi talaga namin pinagsisigawan o pinagtatapat na may crush kami sadyang may mga madadaldal lang kaming kaibigan hahaha :)

Para sa 50 persyento na natira minsan ayos parin sakin na mlaman kase malay mo may pag asa naman pala talaga eh. MALAY LANG Hahahahaha. :D

_____

Ayan tenen nakapag update na aketch :) Sana magustuhan ninyo hahaha.

Ailee ★

Devilish Princess

Crush Problems (GIRLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon