Ng Dahil Sa Color Switch XD

18 2 0
                                    

"Uy! Anong laro yan?" Tanong ko kay Rain. Si Rain yung crush na crush ko pero lihim lang at ako lang ang nakakaalam nun. Lihim nga diba?

"...." nak ng! Di ako sinagot ng loko -_-

"Huy!"

"…" pero titig parin ito sa paglalaro. Walng hiya oo =________________=

"RAIN~ ANO YANG NILALARO MO!?" Sigaw ko sa kanang tenga niya sabay hagikgik dahil nagulat siya dahilan para matalo siya.

"Leche!" At hinampas niya ng malakas ang mesa. Nagulat naman ako at otomatikong huminto sa pagtawa. Pati narin ang mga kaklase kong busy sa pagchichikahan, pagkukulitan, pagtatawanan ay para bang natahimik bigla ng dahil lang sa isang sigaw niya? OMO! Watudu?!

*dug dug*

Waaaah! Sana di ko na lang siya dinistorbo TT__________TT N-nakakatakot T3T

"S-so-sorry" at tumakbo na ako papunta sa upuan ko at yumuko. Waaaah! Mabuti at di kami seatmate kundi, dedo na talaga ako! Nasa magkabilang dulo kasi kami.

Biglang tumahimik ang paligid. Habang nakayuko ako, iba ang nararamdaman kong atmosphere! Akala ko mag sosona na naman sa galit si Rain kaya lang, himala yata at tahimik? Pano kung lumingon ako? Baka may kamaong makatagpo ang ow-sow-byutipul fezz ko!! Pero pano kung di ako lumingon? Baka batuhin ako ng sapatos or bato!? Naku!! Ano ba tong iniisip ko?

Lilingon. Hindi? Pero pano nga kung lumingon ako? Pano kung may kamaong nakaabang sa mukha ko? Pero pano kung hindi? Pano kung di ako lumingon, baka may flying shoes akong makita? Mahilig pa naman yun magpalipad ng sapatos, Dinaig pa ang saranggola huhuhu!.

But in the end, lumingon na lang ako. Ng lumingon ako, nakita ko lang naman siyang umiiling habang nakangiti na kinainis ko.

"Ganun? Pagkatapos niya akong sigawan at murahin, ngumingiti siya ngayon? Ee kung dukutin ko kaya yang dalawang butas sa pisngi niya ? Kaasar. Teka, bat ba ako naiinis? Sino ba ako para makonsensya siya sa pagmura at sigaw sakin? Duh!" Bulong ko sa sarili. E SA DI KO MAKAYANANG ISARILI EEH!!

Tumingin ako sa gawi niya at nakangiti na naman ito. Iniwas ko na naman ang tingin ko at bumulong.

"Baka malaki parin yung score niya kaya kahit matalo siya, nakabawi naman. O di kaya, kinalma siya ni Faith kaya ngumiti? Tss. Edi wow!" Bulong ko ulit sa sarili ko.

"Oy! Psst."

Luh? Sino yun? Lilingon na sana ako kaya lang, baka prank. Like lilingon raw ako tas magrereact agad sila ng
"oh? Bat ka lumingon? nyahahahaha" o kaya
"Ikaw ba tinawag ko? Wahahahahaha " oh diba -_-? Kaya wag na lang.

"Huy!"

"……" Anong trip na naman ng mga kaklase ko? Psh.

May biglang tumabi sakin na ikinagulat ko.

"Clarisse, Kanina pa kita tinatawag. "

*dug dug*

*dug dug*

K-kinakausap niya ako? Waaah!

"Ay sorry. Akala ko prank lang. Ano.. uhmm b-bakit?" Kinakabahang tanong ko. What if pagbabayaran niya ako sa panggugulat ko sa kanya? Luh! Wala pa naman akong pera.

"Kinakausap mo ako kanina diba? Ano nga yung tanong mo?" Nakangiting tanong ni Rain.

"H-huh? N-naku. Wala yun. Never mind na lang. Sorry talaga kanina ha? Sorry. Sorry. sorry" nakayuko kong sagot sa kanya. Ee sa nahihiya ako eeh!!

"Hahaha no no. That's fine. Nagulat lang talaga ako. Sorry din kung nasigawan kita at namura pa. Nabigla lang ako" with matching kati pa in his batok si koya! Ay keleg mats ako dhaii!

Ng Dahil Sa Color Switch XD [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon