CHAPTER 15: Periods

23 0 0
                                    

Ace's POV:

"KUNG NAGING FOOTWEAR KA, MALAMANG FLATS KA."

Ayan ang nakalagay sa unang papel na nabunot ni Honey. Sa totoo lang, nang ibato sa akin ni Honey 'tong papel at binasa ko, sobra akong natawa. Nakasulat 'yan sa isang pink scented paper na halatang sulat kamay ng isang bata.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Tumawa ka pa unggoy ka!" sabay bato sa akin ni Honey ng unan.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAH! HANEP! BWAHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa ko. "Biruin mo Honey! Pati 'yung papel, hindi nagsisinungaling." At tumawa ulit ako ng malakas.

BLAG!

ARAAAAAAAAAAAY!

Napatigil ako sa pagtawa at napahawak sa ulo ko. Binato ako ni Honey ng Leggo block, 'yung maliit lang. Napahawak ako sa ulo ko at tumingin sa kanya. Medyo masama na tingin niya sa akin. Nakakunot ang noo at naka-crossarms. Tapos tinalikuran niya ko at umakyat sa taas. Ay oo nga pala. Nandito kami sa apartment ni Tricia.

Umakyat sa taas si Honey, pero rinig na rinig ko ang bigat ng bawat yabag niya. Parang nagdadabog. Rinig ko din ang pagbagsak ng pintuan sa taas. Pumasok 'yun sa kwarto for sure.

30 minutes later

Hay! Galit na naman si Honey!

So anong gagawin mo?

Sempre, epal ka na naman konsensya 'di ba? Kokonsensyahin mo na naman ako -.-"

MALAMANG! Trabaho ko 'yun 'di ba? Hayyy. Utak gabok!

OKAY! FINE! SIGE NA! SABIHIN MO NA GUSTO MONG SABIHIN NG MAKAALIS KA NA SA POV KO!

Easyhan kita promise! :) Ganto kasi Ace... TANGA KA FOREVER AND EVER AND EVER!

Sheeeeeeet konsensya! Ang gay mo no?

ENEBE KUYS! HAHAHAHA. Seryoso na ito. Ace, nakita mo si Honey na inis 'di ba? Kaya mo ba na nagtatampo siya sayo?

Ahm... *awkward silence*

OH! DIBA?! Ayaw mo din naman siyang nagtatampo. Ayaw mo siyang maiinis. Ayaw mo siyang nakikitang malungkot, o naiyak, o galit.

Ahm...

Anong 'Ahm...' ka diyan?! Oo at hindi lang naman ang sagot Ace eh! OO AT HINDI LANG! BE A MAN ACE! BE A MAN AND ANSWER MY QUESTION!

OO NA! OO NA OKAY?!

Ayun naman pala eh. So ano? Tutunganga ka lang diyan habang si Honey, nasa taas at nagtatampo sayo. Well... okay sana kung tampo lang. Eh paano kung galit siya sa'yo? Ayaw na niya makita kaaaaaa. HALA KAAAAAAA BRYAN AXCEL ANGELO CHUA! WALA KA NANG HONEY!

NO! Sh*t! Oo na! Tatayo na ako! Oo na! Gagawa na ko ng move! Oo na! Tatayo na ako at mag-sosorry!

Good choice! Bwahahahaha! Kbye!

Tama ang konsensya ko. Hindi ko talaga kaya na nagtatampo sa akin si Honey. Kainis. Sige na. Aakyat na ako sa taas para mag-sorry sa kanya.

Naisipan kong bago ako umakyat sa taas para magsorry, dadalhan ko muna siya ng fruit salad na ginawa ni Tricia. Oo, pagkain. May mga 95% chance kasi na pagdinalhan ko ito ng pagkain, baka sakaling mas madali niya kong mapatawad. Well, well, well... Ace knows best talaga!

So, ayun nga. Nagtungo ako sa kusina upang kunin ang fruit salad, 'yung favorite niyang Spongebob na bowl, at dalawang kutsara. Sempre, hindi naman ako papayag na siya lang magpapakasaya sa fruit salad 'di ba?

Honey, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon