CHAPTER 11: She Noticed

36 2 2
                                    

Honey's POV:

Bzzzzz. Bzzzzz.

*yawn* "Hello?"

"Hello Honey! Wag kang munang sisigaw! May itatanong ako! Bagay ba sakin ang brush up na buhok?"

"Oo."

"Talaga?"

*yawn* "Oo..."

"Ah. Sige. Tulog ka na ulit. Salamat. Goodnight. Love you!"

*yawn* "Sige. Sleep tight. Love you too."

Ang weird ng panaginip ko. Nag-love you si Ace sakin. HAHA. Tas ang mas weird pa e nag-love you too naman ako. HAHAHAHA. Mas nakakatawa yun kesa sa una kong sinabi.

Anyway, isa na namang Sabado na walang gagawin. Bakante ako sa school, bakante sa flowershop ni pinsan at pati dito sa bahay. Umalis silang lahat at ako ang naiwan. Hindi naman ako makapunta ng apartment kasi wala din naman akong kasama dun. Si Mae, may date. Si Trish at Kris, nasa photography convention. Si Anne, may practice ng sayaw. Si Ace, ewan. 'Di pa nga nagpaparamdam e. Chineck ko na phone ko kanina paggising ko. Hindi man lang nagtetext. Ano kayang ginagawa nun ngayon? Ts. Nakakainis. Ayoko naman magtext ng una kasi siya ung lalaki. Mageffort naman siya bilang boyfriend ko siya. Whatda?! Bat siya mageeffort eh hindi naman kami? Erase erase erase the boyfriend part. Nakakainis. Bahala nga siya. Hindi kaya siya kawalan. Madami akong pwedeng gawin nang wala siya. Grrrrr (><)

Tok tok tok.

"Honey?"

Sino naman 'yun?

"Honey. Si Ace 'to. Bilisan mo kasi mabigat dala ko."

Kfine. Napakabossy ng taong 'yun ah. Ts. Suntukin ko siya e.

Tok tok tok! Tok tok tok!

"SANDALI NGA LANG! ANG AGA MONG MANGBULABOG HA?!" Padabog akong lumabas sa kusina. Iniwan ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Isang dipa na lang ang layo ko sa pintuan nang marealize ko na... HINDI PA KO NAGHIHILAMOS. Dali dali kong kinuha ang pink kong bath towel na may nakaburdang Spongebob sa baba.

Tok tok tok! Tok tok tok! Tok tok tok!

"HONEY DEW MARTINEZ! BUKSAN MO NA ANG PINTO! MAHUHULOG NA 'TONG DALA KONG PAGKAIN!" Sigaw ni Ace. Napakabossy nun ano?! Sigaw pa! Sumigaw ka pa!

"HOY! BAHAY KO 'TO! MAG-INTAY KA! TS." Sabi ko. Nako nako naman! Magpapakita ako sa kanya ng hindi man lang naghihilamos o nagmumumog? Kapal din naman pala ng mukha ko.

Tok tok tok tok tok tok!

"Honey!" Sigaw ng nasa kabila ng pinto. Ibinalot ko yung towel sa ulo ko na parang veil ni Mama Mary. Tas tago yung mata. In short, parang sa Muslim. Ts. Bahala na nga.

"Aga mong mangbwiset, bwiset!" Sabi ko pagkabukas ko ng pinto. Pumasok lang siya at dinaanan lang ako. Bwiset talaga 'yun. Pektus sa akin 'yun. Sinara ko 'yung pinto tapos medyo nagpeep ako sa towel. Nakita ko na wala siya sa salas. Siguro sa kusina yun nagpunta. May dala daw pagkain e. Nagmadali akong naghilamos at nagmumog. Paglabas ko ng CR, may nakaready na plates, spoon and fork, at food. Grabe! Sobrang nagwide ung ngiti ko nang makita kong may nakahain na sa mesa. Kasi naman no :) yieeee! Tinatamad akong magluto, tas bigla siyang dadating na may pagkain. Mokong na yun. KINIKILIG AKO.

Huh?! Earth to Honey! Bat ka kinikilig?! Konsensya ko yan. Umepal >///<

Ako pa epal?! Teka. Wag ka nga kiligin. Gaga ka din no?

Honey, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon