Samantala, si Jaimee ang naging paksa ng usapan nina Maury na medyo malayo ang kinalalagyansa unang kotse.
"Di hamak naman na mas pretty tong si Ella kesa sa bruhildang Jaimee na yon, Napaka arte niya,"naninilog na mga mata na panunuya ng bakla.
"Ewan ko ba kung anong ipinakain ng eksaheradang girlalou na yan kay Niel,"dagdag pa ni Liza.
"You cannot blame Niel, Jaimee got the body,"may paghangang wika ni Tyrone.
"Teah right, but where's the brain?"panunuya ni Kat na may halong selos.
Si Ella lang talaga ang naging tahimik buong byahe na di nakaligtas sa mga mata ng mga kaibigan kaya't nagpasya na lang silang manahimik.