PROLOGUE

111 3 0
                                    

Warning: No parts of this story might be reproduced in any form or in any means without the permission of the author.

----

Prologue

"Isang grupo ng mga kababaihan na binubuo ng anim na miyembro ang natagpuang patay sa isang bahay sa probinsiya ng Bataan. Tinatansyang nasa isang linggo nang patay ang mga ito ngunit nakapagtatakang buo at hindi pa naaagnas ang mga katawan nito. Ang isa pang nakapagtataka ay, naka-hawak ang kanilang mga kamay sa isa't isa at iisa ang pwesto na wari ba'y isang uri ng Origami na tinatawag na Chained people, dahilan kung bakit tinawag ang kaso na ito na Origami Case, habang ini-imbestigahan pa ng mga awtoridad ang nasabing kaso. Ako po si Neldon Canlas, nag-uulat." Huling sinabi ng reporter sa t.v. bago nagsalitang muli ang kausap ni Detective Frave Fernandez sa telepono.

"Oh, ano pang gagawin mo, Fernandez? Pumunta ka na roon sa pinangyarihan ng krimen. Ite-text ko sa'yo 'yung address. I'm giving you this awesome case so, you better do your best." sabi ng nasa kabilang linya na si Officer Diego Manalansan.

"Okay, sir." At saka niya ibinaba ang tawag.

Napapailing siyang tumayo mula sa kinauupuan at saka tuluyan nang lumabas upang pumunta sa address na nakuha niya sa kausap kanina. Medyo matagal ang kaniyang ibinyahe dahil sa bandang hulo o gubat ang pinangyarihan. Nang makarating siya roon ay napakarami pa ring tao tulad nang nakita niya sa telebisyon kanina.

Naririnig niya ang iyakan ng mga tao sa paligid na malamang ay pamilya ng mga bangkay. Haharangin pa sana siya ng isang pulis, nang ibalandra niya sa mukha nito ang kaniyang I.D dahilan nang pag atras nito.

Pagpasok niya sa mismong kwarto ay nagitla siya sa kaniyang nakita! Nakita niya kung ano ang ayos ng anim na babae. Sila ay nakahiga sa lapag, nakabuka ang mga paa at magkahawak ang bawat kamay. Nakita niya kung papaanong iisa lang din ang suot na bestida ng mga ito. Wala ka na ring makikitang anumang dugo kahit saan na tila ba'y nilinis pa ng suspek ang mga biktima pagkatapos kitilan ng buhay.

'Nakamamangha,' isip pa niya.

Inilibot niya pa ang kaniyang paningin at saka niya lamang napagmasdan nang mabuti ang kabuuan ng kwarto. Ang kwarto ay punong-puno ng mga kagamitan ng isang may kinalaman sa medisina. Marami ka ring makikitang kemikal sa paligid.

"Oh, Fernandez!" biglang ani Teopengco, isang kasamahan niya, na ikinagulat niya, lalo na't sa bigla nitong pagsulpot.

"What the fuck, Teopengco!" gulat na aniya.

ORIGAMITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon