CHAPTER 3- MISS KNOW-IT-ALL

54 3 0
                                    

CHAPTER 3

MISS KNOW-IT-ALL 

"Sometimes those little words, those little insults, those little painful phrases that hurt you everyday, might become as big as a supergiant star and later on explodes and becomes a black hole."



"Okay, right step..and jump..and then one clap!" kasabay nang pagpalakpak nila ay huminto rin ang tugtog.

"Hoooo! Mabuti naman at natapos rin natin!" hinihingal na sinabi ni Quiel, ka-grupo ni Leijanie.

"Oo nga! Kapagod!" usal naman ni Sarah sabay upo sa gilid upang magpahinga.

Naririto sila ngayon sa dance studio sa kanilang paaralan. Kailangan kasi nilang mag perform sa Graduation, kailangang may performance ang Arte Etra at hindi dapat magpahuli sa ibang mga non-academic clubs 'tulad ng Gintong Himig at Dance troupe.

Apat na taon nang kasali sa Arte Etra itong si Leijanie, at siya rin ang umaasikaso nang lahat tuwing may gagawin at may program sila.

"Okay, guys! Dito sa harap lahat," tawag niya sa mga ito, kaagad namang lumapit sa kaniya ang lahat at umupo sa harapan niya, "8:00 bukas ha? Ang mahuhuli ay may parusa, kaya agahan niyo. 'Yung mga may lines sa play, paki-kabisado, ne? Lalo na 'yung mga main characters." Mahabang lintanya.


"Yes, direk!" sabay sabay namang sagot ng mga ito.

"Okay, stand up and let us pray." Anunsyo niya na sinunod naman ng lahat.

Nang matapos magdasal ay mga nagpaalam na sa kaniya ang bawat isa. Siya ang pinakahuling umuuwi dahil siya 'yung nagsasarado ng studio dahil nasa kaniya ang susi at responsibilidad niya ang panatilihing maayos ang lahat ng kanilang ginagamit bago umuwi.

Dahil may mga tao pa rin sa studio na nag lilinis ay nagpunta muna siya CR upang magpalit ng damit dahil amoy pawis na siya. Palabas na sana siya nang biglang mag ring 'yung phone niya.

Tinignan niya kung sinong tumatawag at napailing naman siya nang malaman niyang si Remryl lang pala ito.

"Hello?" aniya, naglalakad pabalik sa studio.

"Nasan ka?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Nandito pa sa school, Dela Fuente. Bakit nanaman? Pauwi palang ako," sagot naman niya.

"Daanan kita, tambay tayo sa amin." Paanyaya ng kaibigan.

"Ayoko, marami pa akong"

"I won't take No as an answer. On the way na'ko, hintayin mo ako sa main gate. Bye!" at saka naputol ang linya, napailing nalang siya.

Nang makabalik sa studio ay kaagad niya na itong isinarado. Habang naglalakad ay tumawag na naman ang kaibigang si Remryl at sinabing nasa gate na raw ito kaya patakbo na siyang nagtungo rito.

ORIGAMITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon