CHAPTER 6 - CONTENTED ENOUGH

43 1 0
                                    

CHAPTER 6

CONTENTED ENOUGH

"We all have our own monsters inside us, but what matters is that, on how you control them not to influence you to do evil things or in the other way around, on how you make use of them get rid of your enemies."

Halla's POV

"Ang corny mo, Gab! Kainis ka," natatawang sinabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon habang hinihintay si Mazha na kanina pa wala. Bwisit naman, oh, nagugutom na ako.

"Corny pero tumatawa ka?" nag make face pa siya.

"Ang mais—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang matanaw ko sa labas ang kotse ni Mazha, "Andiyan na pala 'yung pa-VIP e."

Napatingin naman si Gab sa labas at parehas kaming naghintay nang pagbaba nito sa kaniyang sasakyan, ngunit nabigo kami nang walang Mazha ang bumaba at sa katunayan ay umabante at nagtungo ito palabas ng parking lot.

"Anyare doon?" sabay naming tanong ni Gab sa isa't isa, kaagad ko namang tinawagan si Mazha.

"Hello," sagot niya.

"Nasaan ka? Bakit ka pa umalis? Nandito ka na ah, I saw you."

"A-ahh ehh, bigla na naman kasing nagloko 'yung tiyan ko, friend. Biglang sumakit eh, siguro next time nalang siguro, ano? Hi mo nalang ako kay Gab." Mahabang lintanya niya, naka-loud speaker kaya nag-hi rin si Gab dito.

"Okay, sige. Kahit kailan talaga panira 'yang tiyan mo. Pag-uwi mo takbo kaagad sa CR ha? Sige na nga, baka diyan ka pa sa sasakyan mo abutan. Kung hindi lang maarte 'yang puwet mo sana rito ka nalang nag CR."

"Ay, nako malapit na ako sa amin. Sige na, babush na. See you nalang bukas! Bye!" at saka na nito ibinaba ang linya.

"Kaloka talaga 'yun," sambit ko.

"Ang mabuti pa ay um-order na tayo at gutom na rin ako." Aniya, "Ano ba ulit sa'yo? Italian steak nalang ba?" tumango naman ako saka niya tinawag si Dina, isa sa mga waitress dito.

Mayamaya pa ay kumain na kami. Medyo matagal i-serve dahil restaurant nga ito at hindi naman fast-food pero nakayanan naman ng mga bituka ko sa tiyan ang hindi magkainan ng isa't isa. Matapos din naman naming kumain ay inihatid na ako ni Gab, alas-diyes na nang makarating kami sa bahay ko.

"One week nga pala akong mawawala ha? Uwi muna ako sa probinsya—kila lola. Babalik na lang ulit ako rito bago ang graduation niyo. S'yempre, pwede ba akong mawala roon?" aniya bago pa man ako makababa sa sasakyan niya.

"Okay, sure. No problem, basta't mag iingat ka papunta roon at mag be-behave ka." Nakangiti ko namang sambit, bahagya naman siyang natawa at saka tumango na lamang, "Oh, sige na! Sana lang ay tulog na sila Mommy kung hindi patay ako nito! Mauuna na ako, mag iingat ka pauwi ha?"

"Yes, sir!" sumaludo pa ang loko, "Wait—" pigil niya naman ng pagbukas ko ng sasakyan kaya naguguluhan akong lumingon dito pero labi niya ang nalingon ko, sakto sa labi ko.

"Pervert ang loko," biro ko pa, nailing iling, siya naman ay ngingisi-ngisi lang. Hindi ko na ito pinansin at tuluyan nang binuksan ang sasakyan.

"I love you!" hiyaw niya pa.

"Alam ko!" natatawang hiyaw ko naman pabalik, na lagi ko namang sinasabi sa kaniya tuwing magsasabi siya ng ganoon. Wala lang, I just find it not my style.

ORIGAMITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon