The Lesbian's Boyfriend-2

181 32 3
                                    

Mikazayi's Point of view ♡

"Ano?!?!?!?" Sigaw ni lyvan. Boybestfriend este Gaybestfriend  ko.

Binatukan ko siya.

"Aray naman mika!" Reklamo niya.

"Kailangan sumigaw ha?!" inis kong sabi. Nasabi ko sa kanya yung plano ni mommy.

"Omg! Girl! Dalaga ka na!" Hiyaw ni bakla.

"Tumahimik ka nga! Anong dalagang pinagsasabi mo ha?!" irita kong sabi.

"Sabi mo may boyfriend ka na?" Ay tanga nitong baklita na 'to.

"Bubu mo po! Sabi ko arranged boyfriend!"

"Aray ha! Ang sakit ni 'bubu' part. Huhu" arte ni bakla.

"Talandi mo!" Singhal ko.

"Oh tapos? Ano na?" Paguusisa nitong bakla na to.

"Ayun na nga, ipapakilala daw ni mommy sakin mamaya after class." sabi ko.

"Emeghed! Kinikilig ako gurl! Ano daw name?" Kilig na tanong niya.

"Ewan ko! Pake ko dun!" Singhal ko.

"Ay ang taray ng tomboy natin." -Baklita.

"Ah ewan! Nakakainis kasi sila e!" Inis kong tinapon yung softdrinks na hawak ko.

"The fck?!" PUTSPA!

"What the hell are you doing?!?!" Sigaw niya.

"Kailangan sumigaw ha ha?!?" Sigaw ko rin sa kanya.

"BULLSHT!" Mura niya ulit.

"Sige isa pang mura ipapalamon ko sayo tong upuan." Inis kong sabi. Malay ko ba kasi na nandyan siya.

"Are you insane?!?" Inis niyang sabi.

"Ok sorry, hindi ko kasi alam na may tao pala jan kung tao ka man" ako yan.

"Don't you know me huh?!" Same na pagkasabi.

"Hindi, at wala akong time para alamin kung sino ka man." Mataray kong sabi at naglakad na palayo.

Hindi naman talaga kasi ako tomboy sadyang hindi lang ako maarte at mahilig maglalagay ng kurbata sa muka o magsuot ng mga dress o ano man.

"Stupid ugly lesbian!" nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya kaya hinarap ko siya si bakla naman pinipigilan ako aba walang makakapigil sakin no!

"Hoy mukang kapre. Ano sabi mo?!?!" Kapre oo, kasi hangang balikat niya lang ako.

"I said you are a stupid ugly lesbian." ulit pa niya.

"Hoy unang una sa lahat hindi ako stupid. Pangalawa, sinong pangit ha? Kung  meron mang pangit dito ikaw yun!" Magsasalita sana siya ng pigilan ko siya.

"Hep hep hep! Wag kang magsasalita oras ko to! Saka ano sabi mo?!?! Ako tomboy?!"

"Yes, you are a lesbian." Pagpilit niya. Aba't binibwisit ako nitong kutong kapre na to ah.

"Hindi ako tomboy!" Sigaw ko.

"Ohh really? That's why your wearing pants instead of skirts?"

"E paki mo ba? Ikaw ba magsusuot ha?!" Inis kong sabi.

"You know what, I'm wasting my time talking to you" sabi niya sabay walk out. Aba't!

"Akin na yang ice cream mo" hingi ko kay lyvan.

"Ha bakit?" hinablot ko ito at tinapon kay kutong kapre.

Three points! Hahahaha.

"Hahahahahaha" tawa ng mga taong nakakita.

"THE FUCK?!?!?!?!!"

**

Thank you for reading ♡

The Lesbian's Boyfriend ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon