The Lesbian's Boyfriend-8

87 26 3
                                    

Chapter 8 na tayo whoo hahaa.
Thank you ulit sa mga nagbasa at lalo na sa mga nagvote at comment. Walang sawa akong magthathank you sa inyo.

Enjoy reading...

**
Mikazayi's Point of view

2 weeks na kami ni jane na daily nagkikita after class para dun nga sa steps niya at si kutong kapre din ang naghahatid sundo sakin papunta kila jane at pauwi. Aba! Obligasyon niya 'yun. Payag payag siyang maging boyfriend ko aba magtiis siya!

It is friday morning bukas wala ng pasok pero sabi ni jane e meron parin daw kaming meetup.

Nagbihis na ako at bumaba na para kumain.

"Good morning anak" bati ni daddy sakin. Nakita ko na rin si kuya kael, chael, shael at si mommy na kumakain.

"Good morning po" masaya kong tugon sa kanilang lahat.

"Blooming ka lil' sis  ah" -Kuya shael

"Oo nga baby" pang saang ayon ni kuya kael.

"Paano ni bloblooming 'yan, e may boyfriend na 'yan. Diba kapatid?  -Kuya Chael

"Kuya!"

"HAHAHAHAHA" tawa nilang tatlo -_-#

"Anyways, baby kamusta naman si nashjin?" si kuya kael.

"He's fine, i guess" sagot ko, nalaman ko na rin na katropa ng tatlo kong kapatid si kaizer.

"Yieeeee, mama si mika oh inlababo na" si kuya chael. Aish! Ang hilig talagang mangasar.

"Daddy oh si kuya chael" sumbong ko kay daddy na nakangiti.

"Daddy why are you smilling?!?!" Inis kong tanong kasi pinagkakaisahan nila ako!

"Nothing anak, I'm just happy that you're grown up" -Daddy

"At may boyfriend na" si kuya chael uli.

"Mommy si chael oh, Isusumbong kita kay ate kaye!"singhal ko. Si ate kaye ay girlfriend ni kuya michael at close din kami at medyo under siya dun mwahahaha.

"Ma, Pa! I'm gonna propose to Kat one of these days" sabi ni kuya kael.

"Waaaaaa! Kuya? Seryoso?" Gulat na tanong ko, lahat kasi ng girlfriends ng kuyas ko e kaclose ko. Almost 3 years narin sila ni kuya at sabagay 27 na rin si kuya Mikael.

"Woah! Really kuya?" Si kuya shael naman 'yan.

"Yes." Sagot ni kuya.

"Congrats"-Kuya shael.

"Baliw!mag propropose pa lang ako."  Kuya kael.

"Supportado ka namin kuya"- kuya chael.

"Thank you bro's and sis." Saad niya.

"Son, sabihan mo na lang kami kung mamamanhikan" sabi ni daddy.

"Thank you pa" -Kuya

Narinig namin si mommy na humihikbi.

"Hala si mommy umiiyak kuya" nagulat kami lahat sa pagiyak ni mommy.

"Wife, why?" Tanong ni daddy kay mommy.

"Kasi hubby ikakasal na ang panganay ko huhu" Ayun ang drama ni mommy hahaha.

Lumapit sa kanya si kuya.

"Mama naman e kala mo naman mamatay na ako" pabirong sabi ni kuya. Sa aming lahat si kuya kael ang seryoso sa company namin tulad ni daddy stricto din siya pero sweet kaya nga siguro nagtagal sila ni ate kat, lahat kasi ng kuya ko e chic boy ewan ko ba sa kanila.

"Kasi naman e huhu" pabirong hampas ni mommy kay kuya.

"Hahahaha I love you mama" -Kuya Kael.

"Uhhh how sweet!!" Asar naming tatlo kila mommy haha si daddy naman nakangiti lang.

"Hoy kayong dalawa umayos kayo ha, lalo ka na baby girl" -Kuya Kael

"Yes captain" sabay sabay naming sabi.

"Mommy, daddy alis na ako. Kuyas" paalam ko sa kanila.

"Ako rin mama, susunduin ko pa si kat"- Kuya kael.

"Sige magingat kayo" sabi ni mommy.

**

SCHOOL.

"Bakla!" Tawag ko kay lyvan. Remember him? Yung gaybestfriend ko.

"Ow?" Snob niyang sabi.

"Hoy wag kang snob di ka kagandahang bakla!" Singhal ko.

"Pagkatapos mo kalimutan aketch ng 2 linggo. Tse ka! Porket may boylet ka na" pagiinarte ni bakla.

"Hoy! Hindi ka kagandahang lahi para maginarte." Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray! Joke lang bakla hihihi, ano na nangyari ka fafa nashjin?"  Malanding tanong niya.

"Ayos lang" sagot ko.

"Crush mo na siya?" tanong niya sakin.

"What? No way! Never, over my dead body" singhal ko.

"Ang defensive, bakla."

"Oo nga, kaya napaghahalata kang patay na patay ka sakin kayra e" sulpot ni kutong kapre---- whaaat?

"Hoy anong ginagawa mo dito ha?" Tanong ko.

"Sinusundo girlfriend ko" sabi niya at hinatak ako.

"Ano ba kaizer! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko.

Binitawan naman niya ako.

"Ano bang problema mo ha?" Inis kong tugon.

"Kayra, you are my girlfriend so stay away from that jerk" -Kaizer

"HOY KAIZER! Hindi jerk si lyvan ha! Saka umayos ka nga! Fake lang ang relasyon natin!" Inis kong sigaw.

"So fake? Fake lang pala?" malungkot niyang sabi, wait what? Bakit naman siya malulungkot kung fake lang ang relasyon namin diba? Nagkamali lang siguro ako.

"Oo" sabi ko.

Tumingin siya sakin at umalis.

Bakit parang ang seryoso niya?

Aish! Bahala nga siya sa buhay niya dinaig pa niya ang babaeng may regla!

**

Special mention kay CloudyySkyy thank you sayo! Ang ganda mo! Hahaha, pasensya na rin po kung natagalan ang update kasalanan po kasi 'yun ni ERIC! Hahahaha. Thank you for reading ♡

The Lesbian's Boyfriend ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon