CHAPTER 1: The Beginning

18 0 0
                                    

CHAPTER 1: The Beginning

After 6 Months

"OTIII! OTIII! OTIII!!!!!"

"Tangina Leigh! Bakit ka ba sumisigaw?!"
"Tsaka, ATE ha? ATE! Wala ka talaga galang."- dugtong ni Oti sa kapatid

"E kasi ang bantot pakinggan pag pinagsabay e, ATE OTI. Odba? Para lang akong nagffliptop. Hahaha! Kaya Oti nalang mas okay pa! :)" sagot ni Leigh sabay harap ulit sa Laptop nito.

"Pag di mo ko tinawag na Ate babawasan ko allowance mo, ikaw din. *smirk*" - Oti

Biglang tumakbo papalapit si Leigh kay Oti na nasa kama bitbit ang Laptop niya.

"Oh bakit ka lumapit? Takot ka mabawasan Allowance mo?" - OTI

"Hindi no, kila mama nalang ako hihingi." - sagot ng kapatid habang nagpipindot pa din sa Laptop

*poink!* batok ni Oti kay Leigh

"Nasa puder kita kaya sagot kita!"- Oti

"Pero Oti, whaaaaa! Tingnan mo kasi to!"- Tumitiling sagot ni Leigh sa kapatid

"Wag ka nga tumili! Ano ba yun?!"- inis na tanong ni Oti, ikaw ba naman tilian sa tenga ewan ko lang.

"Kasi Oti! Tingnan mo dami mo ng followers sa Page mo! Dami din nagpapa-advice sayo, tingnan mo bilis!"- pangungulit ni Leigh
-
OTI's POV

Nabuang na naman tong kapatid ko. Sya lang naman ang gumawa ng page na yun tapos sasabihin page ko daw, psh!

"Odba Oti? Dali bigyan mo sila ng Advice!!"- Leigh.

Ang ingay ng bunganga!

"ikaw mag-advice dyan, ikaw gumawa ng page na yan e."- simpleng sagot ko sakanya

"OTI!! Ginawa ko to para sa mga fans mo! Duh!"

"My gosh Leigh! Ang ingay mo! Akin na nga yan para matahimik ka na!"- kainis!

"Okidoki! Oh, here! :)" Bipolar na kapatid!

She Dela Fuente - Miss Oti yung mahal ko may nililigawan ng iba. Dapat pa ba akong umamin baka sakaling ako nalang ligawan nya?
Post a comment - She pag umamin ka sa isang tao wag ka magdemand na kahit ano. Sabihin mo lang na mahal mo sya, nasa sakanya na yun kung aamin din sya na mahal ka din nya. Ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit lalong lalo na hindi ito pinipilit.

Mark Fuentes - Bakit abnormal ang mga babae? Ang hirap intindihin ng girlfriend ko.

Post a comment - Iho kung mahal mo talaga girlfriend mo hindi ka mapapagod intindihin sya, kung di mo sya kaya intindihin hindi ka totoong nagmamahal.

Gracia Dela Vega - Uhm Miss Oti, balita ko bagong kasal ka pero biyuda na agad, kamusta na po pakiramdam mo?

Napahinto ako. Nawalan ng gana.

"Oti tama na yan, wag mo nalang pansinin. I-ban ko nalang yan dito." - diretsong sabi ni Leigh pero alam kong nag-aalala lang din sya.

"Aalis na muna ako." - walang gana na sagot ko

"Saan ka pupunta Oti?" - Leigh

Hindi nalang ako sumagot at tumuloy ako sa pag-alis.
-

Anim na buwan na kaming kasal. Anim na buwan na rin nya kong iniwan. Hanggang ngayon nandito parin yung sakit na kailanma'y hindi maaalis pwera nalang siguro kung magka-amnesia ako.
-

THIRD PERSON POV

Hindi alam ni Oti kung saan sya pupunta nang maisipan niyang pumunta nalang sa Bar, pipilitin magsaya pangsamantala.

Fixing Her Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon