Chapter 1

1 0 0
                                    

"Liana!" Sigaw ng mga kaibigan ko ng nakita nila ako sa unang araw ng pasukan. 2nd year high school na kami ngayon at pinili kong magtransfer dito sa public high school sa bayan namin.

"Oh my gosh! Buti naman at naisipan mong magtransfer na dito! Miss na miss ka na namin!" Sabay yakap sa akin ni Hannah.

Magkakaklase na kami noong elementary pa. Ako lang yung lumayo pa ng 2 bayan para mag 1st year high school. Actually, gusto ko talaga doon sa school na pinanggalingan ko. Maganda kasi ang kalidad ng turo doon. Maganda rin naman dito sa bago kong school pero mas kilala iyong dati.

"Miss ko na rin kayo.." Sabay tingin ko sa kanila isa isa. "Sobrang nakakapagod talaga kung doon mag aaral! Alas 4 palang ng madaling araw gising na ako, imagine that?!" Dagdag ko pa.

Iginala ko ang mga mata ko sa mga kaibigan kong kung pagkaguluhan ako e akala mo artista. Tandang tanda ko sila lahat. Sina Hannah, Aria at Beatriz ay mga kaibigan ko na mula pa elementary. Sina Imee, Lauren, Elainne at Dave naman ay nakilala ko lang noong bumibisi- bisita ako dito sa school noong 1st year pa ako. Syempre, paminsan pag maaga akong nakauwi ay pinupuntahan ko sina Hannah dito that's why I made friends here. Ipinagpasalamat ko iyon dahil look at us now, we're friends than ever!

"Tara na sa classroom. Nandoon na si Ma'am Sarez oh." Itinuro ni Imee ang magiging classroom namin doon at nakita ko ngang nagtatawag na ng mga apelyido si Ma'am para yata arranged na alphabetically ang seats pagkapasok palang.

Ipinulupot ni Aria ang kanyang braso sa aking braso. Nangiti ako sa kanya at masigla siyang naglalakad habang sinusuklay ng kanyang daliri ang mahaba at straight niyang buhok. Sa lahat sa kanila, si Aria ang pinakang close ko. Siya yung maituturing kong best friend. Mula pagkabata e marami na kaming kalokohang nagawa at kahit kailan ay hindi kami nagkagalit sa isa't isa.

Unti unting tinawag ang mga kaibigan ko at dahil Velasco ang apelyido ko, isa ako sa mga huling pumasok sa classroom.

"Velasco, Liana Armelle C." Tawag ng aming guro hudyat para pumasok ako sa aming classroom.

Pagkapasok ko roon ay halos tumungo na ako sa sobrang hiya! Lahat sila ay nakalingon at nakatingin sa pagpasok ko. Well, normal lang naman siguro iyon dahil isa akong transferee student at hindi ko kilala ang karamihan sa kanila. Nakita ko ang isang bakanteng upuan sa likod kaya naman doon ako umupo dahil iyon siguro ang assigned seat sa akin.

"Good morning everyone! So I am Mrs. Leonora Sarez, your adviser for the whole year. Today is the distribution of books but before that... Miss Velasco..." I stood up at pumunta sa unahan.

"This is your new classmate, introduce yourself." Sabay lahad ni Mrs. Sarez ng kamay ere.

"Uhmm, hi...." Kaway ko sa kanila. "I am Liana Armelle Velasco, you can call me Liana. I'm a transferee student..."

"Tssss. We know"

Narinig ko ito sa isa sa mga kaklase ko na agad ko namang nakita kung nasaan. Actually hindi ko sya kilala. Gustong gusto ko syang irapan pero that would be so unethical. Baguhan palang ako dito tapos may iirapan agad ako? So I ignored him. Sayang, gwapo pa naman sya kaso mukhang masama ang ugali. Pumapatol sa babae. Nevermind!

"So... Let's all be friends." Patapos kong sabi habang nakangiti ng pagkalawak lawak. Lahat ng kaklase ko ay sobrang laki din ng ngiti sa akin.

Iginala ko ang mga mata ko at iyong mga kaibigan ko ay tinataas taas pa ang kanilang kamay na para bang chinicheer ako. Mga baliw. Napatawa na lamang ako pero halos mapawi iyon ng nakita ko na naman iyong lalaki na papansin. He put his G-tech in between his teeth while staring at me blankly. Oh great.

When We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon