Chapter 2

1 0 0
                                    

Mabilis na dumaloy ang mga araw, ganoon parin ang gawi namin araw araw. Pumupunta kami sa tindahan ni Aling Titit after class. Lalo akong naging close sa mga kaibigan ko at maayos din naman ang pakikitungo sakin ng mga kaklase ko. Yun nga lang, Alex became my worst enemy. Sobrang palagi kaming nagtatalo, ultimo maliit na bagay pinag aawayan namin kahit wala itong kwenta! Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pagpatol sa kanya kasi kulong kulo na talaga ang dugo ko!

Ngayon ay nandito kami sa gilid ng stage ng covered court nakatambay dahil break time. Dumaan sa harap namin si Alex kaakbay si Isabelle. Inirapan ko ang bakulaw na iyon at kinausap ko nalang sina Lauren, Hannah at Imee.

"Bakit kaya absent si Aria? Nasabi ba nya sa inyong aabsent sya ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi eh, may quiz pa naman tayo kay Ma'am Dequinto mamaya." Sagot ni Hannah sa akin at umiiling.

Oo nga pala, may quiz mamaya! Si Ma'am Dequinto ang teacher namin sa Algebra. I am confident that I can smash the quiz. Favorite ko kaya ang math!

"Alam niyo na ba yung balibalita? Di ko pa nacoconfirm kay Alex eh, di pa kasi kami nagkakausap ngayong araw na ito. Probably later when we go to Aling Titit." Daredaretsong sabi ni Imee.

"Anong meron kay Alex?" Dagdag na tanong pa ni Lauren. Itinuon ko nalang ang pansin ko kay Imee at hinintay syang sabihin kung ano iyon.

"Sinagot na daw ni Isabelle si Alex. Sila na." Sabay tingin ni Imee sa naglalakad na mag on. Mukhang ihahatid ni Alex si Isabelle sa classroom nila. Anyway, first year high school pa nga lang pala si Isabelle.

"Ah talaga? Buti naman sila na. Mababawas bawasan na ang oras ni Alex para sa pang aasar at pakikipag away sakin." I said it with sarcasm.

"May problema nga lang, mukhang itong si Isabelle ay pinagkakaisahan nung iba nyang kaklase na may gusto kay Alex! Hay nako. Napaka flirt naman kasi ni Alex." Napakunot noo ako sa sinabi ni Hannah.

"Flirt? What do you mean?" Nakakunot noo ko ring tanong pabalik kay Hannah.

"He is a freakin playboy, Liana. Palibhasa gwapo sya, kapag may nakita syang maganda, nilalandi agad. Kaya nga takang taka kami kung bakit niya niligawan si Isabelle eh. I thought he just likes to play around with girls." Kibit balikat ni Hannah.

I thought he is a one woman man. Kasi when he's with Isabelle, his attention is within her only. I can't believe he flirts a lot way back. Well, now I realized may aura talaga syang playboy.

I stare at him while standing near at Isabelle's classroom and talking to Dave. He has this brushed up hair that every other playboys and fuckboys have. He has long eyelashes and intimidating eyes. Hindi makapal at hindi naman sobrang nipis ang lips nya and he has a very perfect nose. Nahiya naman ang ilong kong hindi katangusan.

Naputol ang paninitig ko ng nag ring na ang bell. Pumasok na kami sa classroom at nagsimula ng mag lecture si Sir Villa na english teach namin. Sinabi rin nya na kakailanganin namin ng isang notebook for our daily journal. It's a requirement to pass our English subject. Okay then. After an hour, lumabas na sya at sakto namang pagpasok ni Ma'am Dequinto.

"Okay, so get one whole sheet of paper. We will be having your first quiz today as announced yesterday so I expect na nagreview kayo." Sabi ni Ma'am habang nakatalikod at nagsusulat na ng mga equation sa black board.

Nagsisimula na akong magsulat ng pangalan ko ng may biglang isang binilog na papel ang tumama sa ulo ko. Who the eff threw this to me?! Salubong ang kilay na hinanap ang pinanggalingan ng papel at nakita ko namang nakangisi si Alex at nakatingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon