Isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon siya parin ang laman ng isip at puso ko . Siya parin ang hinahanap-hanap ko. Mga text niya at tawag parin niya ang lagi kung hinihintay.
Hindi ko nga alam kung bakit SIYA parin basta ang tanging alam ko MINAHAL KO SIYA AT MAMAHALIN KO PARIN SIYA AT PATULOY NA AASA .
**
2nd year Highschool ako nung makilala ko si Chad . Ako ang unang humanga at nagkagusto sakanya, Matagal kong naging Crush si Chad. Palagi ko siyang tinitignan at lagi naman akong kinikilig pag-kinakausap at pinapansin niya ako . Hindi ko sakanya ipinahahalata na gusto ko siya syempre nakaka-hiya .
Pauwi na ako ng bigla nalang niya akong hinarang " Glen, can we talk ? "
hindi agad ako nakasagot sakanya " Please ! " He added
" Sure " pero deep inside kinikilig ako.
" Glen.. . . "
Tinignan ko siya na para bang hindi siya mapakali at parang nanginginig 'yung boses niya
" Ano 'yun ? "
" Kasi ano.... "
"Anong ano ?? "
Matagal siyang hindi nakasagot .
" Sorry ! Chad kailangan ko ng umuwi " Then I stand up
" Pwede ba kitang ligawan ? "
Nagulat ako at napahinto " Ligawan ? "
He nod his head " Oo ! pwede ba ? "
I kept Quiet for a couple of minutes " Kasi naman eh! hindi ko alam kung bakit ba ako natotorpe na aminin sayo noon pa na matagal na kitang gusto ! lagi kitang tinitignan sa malayo at lagi din kitang sinusundan ng tingin ! Matagal ko ng gustong umamin pero hindi ko lang masabi sayo " He added
Mas lalo pang bumilis 'yung tibok ng puso ko ng marinig ko lahat ng mga sinabi niya at mas lalo pa akong hindi nakasagot para akong natulala .
Pumunta siya sa harapan ko " Pwede ba ? " Tanong ulit niya
Nilingon ko siya " Oo " sagot ko sakanya
He hugged me tightly " Thank you ! Hindi ko sasayangin ang Chance na binigay mo sa akin "
Hindi ko alam kung dapat ba akong tumalon sa sobrang tuwa at sabihin sakanya na matagal ko na din siyang gusto. Pambihira naman oh ! 'yung taong gusto ko noon pa gusto rin pala ako ! What a LoveStory !
" Hatid na kita " sabay kuha sa mga dala kung libro.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya kaya hindi ako umiimik hangang sa makarating na kami sa bahay .
" Sige . Punta na ako " sabi niya
I smiled at her " Sige . Salamat "
pagkapasok ko sa bahay napatalon ako sa sobrang kilig .
" Oh ! bakit ate ? " tanong sa akin ng kapatid ko
Hinawakan ko ang mga balikat niya " Grabe !!! Liniligawan na niya ako !."
" Sino ? si Kuya Chad ?? "
" Oo ! Siya nga ! "
Dumeretso ako sa kwarto ko at kinuha 'yung picture niya sa isang libro ko " Ikaw ah ! Matagal mo na pala akong gusto " Sabay halik sa picture.
Sinampal ko ng malakas 'yung mukha ko dahil baka nanaginip lang ako " arrayy !! "
Ganito pala 'yung pakiramdan pag-gusto ka ng taong gusto mo .
FASTFORWARD
Pagkagising ko agad na akong naligo para maaga akong pumasok sa school . Hindi mawala sa mga mukha ko 'yung ngiti . paloob na ako ng Room nakita ko si Chad na nag-hihintay at dinala niya 'yung mga gamit ko .
Patuloy niya akong sinuyo at linigawan ng ilang buwan . Syempre nag-pakipot pa ako .
Habang na naglalakad kami ni Chad hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sakanya na sinasagot ko na siya.
" May problema ba Glen? "
Napahinto ako sa paglalakad " Oo meron ! "
Tinignan niya ako " Ano 'yun ? "
Napayuko ako " Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo na sinasagot na kita ! "
Nakita ko 'yung paa niya na humakbang papalapit saakin " Ngayon hindi mo na problema 'yun kasi nga nasabi mo na "
Inangat ko ang Ulo ko at nakita ko na nakangiti siya sa akin.
" Huwag mo akong sasaktan ah ! " sabi ko sakanya
" Hindi kita sasaktan "
Nagtagal kami ng Ilang buwan naging masaya ang relasyon naming dalawa . Katulad ng ibang relasyon ay nag-aaway at nag-kakatampuhan din kami pero naaayos din naman agad.
Hanggang sa umabot na kami sa 1st year anniversary namin . Nagtext ako sakanya pero hindi siya nagrereply hangang kaninang umaga. Siguro may surprise siya sa akin.
1 message received
binasa ko 'yung text niya and siya nga 'yun. Pinapapunta niya ako sa park. Kaagad ko naman siyang pinuntahan doon.
And there I saw him na nakaupo kaya nilapitan ko siya " Glenn .. "
" Ano ? "
He stand infront of me " Sorry .. "
I gave him a weird face " Sorry ?? para saan ? "
" Gusto ko ng maki-break sayo " He stated
hindi ko alam kung ano ang dapat kung isagot sakanya . Naramdaman ko nalang ang mga luha ko na tumulo sa mukha ko .
Iniwan niya ako ng mag-isa at hindi man lang nagpaliwanag kung bakit niya ako iniwan .
**
What a LoveStory naman oh! Masaya ang simula pero Masakit sa Huli .
Nasaktan ako at umiyak . Iniwan niya ako ng walang paliwanag at hindi ko alam kung anong dahilan niya pero hanggang ngayon UMAASA PARIN AKO.
Pinilit kung mag-MOVEON pero siya parin talaga eh! Iniisip ko nababalikan parin niya ako at mamahalin katulad dati.
Ang martyr noh! Pero wala eh ! Kahit anong gawin kung pagtatakip sa nararamdaman ko sa huli siya at siya parin.
Minsan hindi ko maiwasang magtanong kung bakit SIYA ang nagustuhan ko, kung bakit SIYA ang nakilala ko kung sasaktan lang din pala niya ako at hindi papahalagahan ang pagmamahal ko sakanya . Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon UMAASA PA ako SAAMING DALAWA !
BINABASA MO ANG
Umaasa Pa
RandomKahit na alam na nating wala na talagang paraan para maibalik pa ang dati patuloy pa tayong UMAASA na MAGKAKABALIKAN at MAAYOS pa ang lahat .