"sorry pero hindi na kita mahal e, its no longer working Nate. We should end this here"
"sorry pero hindi na kita mahal e, its no longer working Nate. We should end this here"
"sorry pero hindi na kita mahal e, its no longer working Nate. We should end this here"
"sorry pero hindi na kita mahal e, its no longer working Nate. We should end this here"
Parang mga punyal na paulit-ulit bumabaon sa puso ko. Mga masasakit na salitang nanggaling sa taong nagbibigay kahulugan sa buhay ko noon.....Ang sakit lang isipin na ang malafairytale na istorya namin ay matatapos na lang nang ganito....Noon, ibig sabihin tapos na, na wala na... pero heto ako ngayon nakakulong pa rin sa ala-alang babalikan niya ko at magsisisi siya sa mga sinabi niya. Kasi ganun naman di ba? Nangako kasi siya na walang bibitaw, na kahit kamatayan walang binatbat sa pagmamahalan naming. Pero ano to? Mahal na mahal ko siya, sa kanya ko pina-ikot ang mundo ko, siya ang nagbigay kahulugan sa buhay ko pero sa isang iglap lang wala na.
"saan ang punta mo?" istorbo ng taong hindi ko namalayan na kanina pa pala ako naririnig umiiyak
Kasalukuyan akong nasa isang bus papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Ito agad ang una kong nakita matapos ang tagpo naming iyon ni Ram, nanghihina man ang tuhod kasabay ang pag-agos ng luha ko ay nagawa ko pa rin tumakbo palayo sa kanya. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal kung hindi dahil natatakot akong makita ang unti-unting niyang paglayo sa akin. Hindi ko kasi kakayanin kung siya ang makita kong unti unting lumalayo sa akin e...ang sakit makita na yung relasyong pinakaingat-ingatan niyo noon ay wala na
"Nowhere. I don't know" wala sa sarili kong sagot dito habang hindi man lang pinag-aabalahang tignan ang pinanggagalingan ng boses ng kausap ko.
We were high school sweethearts; he's the debate president habang editor n chief naman ako ng school paper namin. I've always admired his talent and his charisma, hindi siya katulad ng mga varisities pero sapat na sa akin ang pang nice guy look niya na kaagad na kakapagpangiti sa akin whenever makakasalubong ko siya. By the 4th quarter of our second year ay nalaman kong bisexual siya, it was all mixed emotions, gladness dahil alam kong may pag-asa and at the same time fear dahil alam kong mas maraming mas angat na bisexual ang magugustuhan niya. Until the world favored me, when all of a sudden nagkasama kami sa isang seminar, with same rooms and assigned to be partners and the rest is history...
"iniwan? Nangiwan? Oh basted?" tanong ulit ng lalaking katabi ko
" I am broken, I don't know how to pick up my falling pieces" sagot ko naman dito habang unti-unti kong nililingon ang kanina ko pang nangungulit na katabi.
He's just a typical guy, hindi ganun kagwapuhan pero hindi rin maipagkakailang may itsura ito.
"Maybe its not about trying to fix something na sira na baka its about creating and finding a new version of you" tanging sagot nito
Hindi ko alam pero never akong nagging fan ng mga labels na nasaktan, nangiwan, iniwan, nanakit. Ang alam ko lang ay lahat tayo nakakaranas ng sakit nagkakaiba nga lang siguro sa intensity at tindi pero masakit pa rin ito kahit ano ang sabihin natin.
BINABASA MO ANG
BUS
RomanceAs pain reminds us that we're all humans. Failures and Heartbreaks will not stop you to keep going.